Marami ang hindi kinaya ang inasta ng isang lalaki sa kumakalat na video sa social media matapos sinaktan ng lalaki ang isang Grab Food rider.
Ayon sa post ng isang netizen na si Prince Anderson Silvestre, dahil lang umano walang panukli si kuya na Grab rider ay sinaktan na siya ng isang lalaki na tila hindi nito makontrol ang kanyang emosyon.
Makikita sa video, hawak-hawak ng lalaki ang Grab Food driver at hinawakan ang kanyang kwelyo na tila gusto niya umano itong saktan.
Sinigawan, dinuro-duro at inambahan pa ng suntok ng lalaki si kuyang grab rider na tila galit na galit ito.
Mapapanood din sa video na may isang babae na umaawat sa lalaki, tila asawa umano ng lalaking customer, ngunit ayaw magpatinag ng lalaki. Tuloy pa rin ang kanyang paninigaw sa rider.
Makalipas ang ilang araw ay ayon sa post ng isang Facebook page na Abs Quimma, nagbigay ito ng update sa customer na nanakit sa grab rider.
Ayon sa post ay tila nahuli na nga ang lalaki at mapapansin din na may hawak itong cellphone at nakaposas ang kanyang mga kamay.
Sa panayam ng mga awtoridad sa Grab Food rider, wala umano siyang balak na patulan ang nasabing customer. Hindi na lang umano niya pinapairal ang init ng ulo.
"Wala akong balak na patulan siya. Idinaan ko nalang sa tama at hindi ko nalang din idinaan sa init ng ulo." ayon kay rider.
Tunay na maituturing na isa sa mga frontliners ang mga food riders sa panahon ng pandemya. Mas napadali ang pag o-order ng pagkain dahil sa kanila.
Kaugnay ng kwentong ito, nag trending noon si Jasmine Smith Curtis matapos ang usap-usapan sa ginawang pag post nito sa kanyang experience sa isang food delivery service.
Nag post si Jasmine sa kanyang social media account upang maparating ang kanyang hinaing sa pamunuan ng Grab.
"Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won't answer text or calls" na may kasama pang sad emojis sa kanyang post.
Sabay ng kanyang post, pinakita pa niya ang screenshot ng detalye na may kasamang larawan ng rider mula sa app ng Grab.
Madali namang nag react ang mga netizen sa nasabing post ng aktres. Marami sa mga netizen ang hindi natuwa sa ginawa ni Jasmine.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen na hindi natuwa sa ginawang post ni Jasmine:
"Shame all these people who act all high and mighty, but upon some slight inconveniences, uses their clout to publicly shame people."
"Did you just simply took down your post when your "stolen" food arrived? No public apology, for public shaming him just because you can?"
May isa ring netizen na nag reply mismo sa tweet ng aktres at sinabing hindi na lang sana pinost pa ng aktres ang nangyaring small inconvenience.
"Hmmm, sana di na ipost, i know na di mo nakuha yung fud mo pero pwede naman ireport sa app. What if nagkaprob lang. Naipost at napahiya na si kuya, cguro naman hindi ganun kabawasan ang halaga na nawala sau. Pero yung kahihiyan ng tao if di naman sadya ang nangyari, di na maibalik.
#justsaying
Agad naman nag reply ang aktres at sinabing binura na niya ang post.
Paliwanag din niya, ilang beses na niyang inireport sa app, ngunit walang action na nangyari. Sinabi naman ng aktres na naibalik na sa kanya ang kanyang ibinayad sa order na pagkain.
"Hi, I've taken it down and I did simultaneously report in the app, and via twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time," reply ni Jasmine sa netizen na nag komento sa kanyang post.
Dahil sa naturang post, inulan ng pamba-bash ang aktres. Maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginawa ng aktres.
Heto ang ilan sa mga komento:
"Eh kaso, damage has been done!"
"Damage has been done. Clearly, you took the post down after people called you out on it. Disgusting how you celebrities think you're all high and mighty. Remember this, without your fans you wouldn't be where you are today."