Nadamay pati ang kilalang talent manager na si Xian Gaza sa umano'y mga post ni ni Xian Gaza dahil na-mention umano ang mga pangalan nila ni Liza Soberano matapos ang sunod-sunod na tsismis niya tungkol kay Kathniel.

Sinabi ni Mama Ogie na huwag naman umanong banggitin sa mga post nito ngayong nadadamay sila ni Liza.  

Ayon pa kay Ogie, huwag umano masyadong maging "marites" lalo na't wala silang pruweba. 

Naging usap-usapan sina Ogie Diaz at ang alaga nitong si Liza Soberano sa post ni Xian Gaza kung saan nabanggit ang mga pangalan nito kung kaya't maraming netizens ang dinadamay sila sa mga isyu.

Sa ngayong deleted na post, sinabi ni Xian na hindi niya maaaring i-tsismis si Liza dahil kumpare niya ang talent manager nito.

Dagdag rin niya, “chairman” daw kasi umano ang tawag ni Liza sa kanya at nirerespeto niya ng mataas ang aktres.

Sa recent showbiz vlog naman ni Ogie, nilinaw nitong wala silang kinalaman ni Liza Soberano sa mga post ni Xian. 

"Para po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung anuman po ang ipino-post ni Xian," ani Ogie. 

"Huwag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo" dagdag pa niya. 

Ibinahagi rin niya sa vlog na sinabihan niya si Xian na huwag nang magkalat ng tsismis lalo na kung wala naman itong pruweba. 



"Sinabihan ko po si Xian na pare, tigilan mo na muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba"

Dagdag din ni Ogie, hindi naman umano close sina Liza at Xian kontra sa sinabi ni Xian na close umano sila. Nagkakilala lang sila dahil sa kanya. 

Tila hindi talaga papayag ang self proclaimed Boy Marites na si Christian Albert Gaza na walang siyang bagong tsismis na ma-ipost sa kanyang social media account. 

Sa pagpasok lang ng bagong taon, panibagong isyu na naman ang tila pinakalat ni Xian Gaza na kaugnay umano kay Barbie Imperial at Kathryn Bernardo. 

“Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo,” post niya habang naka tag pa umano ang dalawang aktres.

Tila nga idinadawit o idinidikit naman ngayon ni Xian Gaza si Barbie Imperial kay Daniel Padilla na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Sa sumunod na post nito ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan magkalapit sina Barbie Imperial at Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla, “Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?,” caption niya rito.


Sa panibagong post ni Xian, tila idinidikit naman niya si Barbie Imperial na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Maging ang naging caption ni Barbie Imperial matapos siya magpalit ng display profile ay hindi pinalampas ni Xian. Ang caption ay, "new year, new dp" na kaakibat ng post ni Xian na may caption din na, "ano ba talaga meaning ng DP? Default Picture or Display Photo?

Samantala isang avid fan ang siyang nagbahagi ng post niya kay Daniel, “Ang Bumangga giba,” caption ng post na sinend kay Daniel.

“Salamat haha, Pero wag niyo ng pansinin yun. Nonsense,” reply ni Daniel sa naturang mensahe. Hindi malinaw kung ito nga ba ay sagot ni Daniel para sa intriga ni Xian, ngunit angkop naman sa nangyayari na hindi na dapat pang pansinin ang patutsada ni Xian sa kanila.

Marami sa mga fans ng Kathniel ang niresbakan agad ang nasabing mga posts ni Xian Gaza.