Usap-usapan ngayon sa social media ang latest Instagram photo post ni Matteo Guidicelli na kung saan sweet sila ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo. 

Ngunit, mas napansin ng mga netizen ang tila kakaibang body figure na ngayon ni Sarah at hinuha ng mga netizen ay marahil nagdadalang tao na si Sarah.

Naging topic ang mag-asawa sa YouTube channel ni Ogie Diaz kasama ang kanyang partner na si Mama Loi.

"Izoom nga natin nanay oh, para ngang may baby bump tsaka parang lumaki yung balakang ni Sarah," pagsisimula ni Mama Loi habang tinitignan ang larawan.

"Hindi, baka mahangin lang..," pakli ni Ogie.

Dagdag naman agad ni Ogie, “Aba kung buntis naman si Sarah hindi naman tayo masho-shock diba, may asawa naman yung tao. Tsaka parang lumaki yung balakang nga niya ‘no. Tsaka yung braso nga niya lumaki… Feeling ko parang nahanginan lang…” 

"ha? Nahanginan lang yung pwet? Diba? Oh para talagang may baby bump…," ang hindi pag sang-ayon ni Mama Loi sa hinuha ni Ogie.

“Oh eh di kung buntis si Sarah Geronimo, congratulations!” sabi naman ni Ogie.

“Hintayin muna natin, baka ine-enjoy nila ang isa’t isa muna. May mga ganun eh pagka bagong kasal… di naman natin alam…Matteo at Sarah, saamin ha, gusto na namin makabuo na kayo. Pero kung para sa inyo ay hindi pa panahon, ienjoy niyo muna ang isa’t isa okay..," dagdag pa ni Ogie.

Isa rin sa pinagkakaguluhan kamakailan lang sa social media ang kumalat na balita na tatlong buwan na umanong  nagdadalang tao ang isang kilalang singer-actress na si Angeline Quinto.

Marami rin ang nagsabi na kaya nga umano hindi nasagot ni Erik Santos nang nakapanayam siya ni Cristy Fermin sa kanyang programa na “Cristy Ferminute” nitong Martes ng hapon dahil ayaw niya na sa kanya manggaling ang salitang ito.

Napainom ng tubig si Erik at ang tanging nasabi ni ‘Nay Cristy ay, “Okay na ‘yang statement mo, pag inom mo ng tubig.”

Oo nga naman hindi dapat manggaling kay Erik ang kasalukuyang estado ngayon ng babaeng minsang napalapit sa puso niya bilang respeto sa kasalukuyang karelasyon ngayon ng dalaga.

Ayon naman sa isang source, mag-aanunsyo naman daw umano si Angeline sa publiko at baka sa kanyang concert sa Metropolitan Theater at ipapakilala raw nito ang ama ng ng kanyang dinadala.


Matagal na rin namang gusto ni Angeline na magkaroon ng anak kahit noong nabubuhay pa si Mama Bob, pero ‘yun nga wala naman kasi siyang boyfriend noon.

At ngayong wala na nga ang adoptive mother niya kaya nagdesisyon na rin siyang mag-anak kahit hindi pa kasal para may makasama siya at maibsan ang pangungulila niya sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya.

Kinumpirma naman ni Angeline sa isang exclusive interview ni Boy Abunda at sinabi niya na limang buwan na umano niyang dinadala ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

September 2021 nang malaman ni Angeline na buntis siya sa magiging panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon pa kay Angeline, takot umano ang una niyang naramdaman, ngunit napalitan din ito ng galak a excitement.  

Lahad ni Angeline, “Tito Boy, natakot ako noong una kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test, kasi nasanay ako sa swab.

“Ang tagal ko sa CR noon, hindi ako makalabas ng CR. Iniisip ko lang, sinong unang sasabihan ko.

"Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako.

“Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko.

"Pero bukod naman doon, yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman," pahayag ni Angeline.

Samantala, matapat na inamin ni Angeline na may dalawang anak na pala sa ibang babae ang kanyang boyfriend pero hindi kasal sa babae ang ama ng bata na kanyang dinadala.

“Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.

“Nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon na kami ng communication, nag tuloy-tuloy.

“So ngayon, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami."

Patuloy ni Angeline, “Ganoon pala yun, parang alam mo agad.


"Matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relationship. Nagkakilala kami parang bago pa ang pandemic.

“Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya.

“Sinabi din naman niya sa akin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya, kasi po meron din siyang anak sa ibang babae.

“Hindi naman ako nagtanong kahit alam ko na. Hindi ako nagtanong, siya mismo [ang nagsabi].”

Hindi naman binanggit ng singer-actress ang pangalan ng lalaki bilang respeto sa privacy ng kanyang non-showbiz boyfriend at para sa katahimikan na rin ng kanilang personal na buhay.