Nawindang ang komedyanteng si Vice Ganda matapos may kakaiba siyang bagay na nakita sa ilalim umano ng higaan ng propesyonal na dermatologist na si Dra. Vicki Belo. 

Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Vice ang kanyang naging house tour sa bahay ni Dra. Vicki Belo. Ito ang dating bahay ng mag-asawa.

Ang vlog ay ginawa noong Disyembre 2021 at makikita pa ang napakagandang Sugar Fairy themed Christmas tree ng dermatologist. 

May dalawang bahay na sila Dra. Belo sa subdivision dahil masyado daw naging exposed ang kanilang bahay sa publiko kaya minabuti nilang kumuha pa ng isang bahay.

Sa bahay ni Dra. Belo, mayroon itong apat na malalaking kwarto: playroom ni Scarlet, master's bedroom, gym at isa pang kwarto.

Nang humiga si Vice sa kama, niyakap niya ang mga unan at dito na nakita ang gamit na underwear ni Hayden. Nagulantang naman si Doktora nang makita ito.

Una, biniro pa nga ni Vice na madumi umano ang electric fan. Lalo pa siyang natawa nang makita ang di inaasahang bagay sa ilalim ng unan ni Dra. Belo.

May nakita ding katol si Vice at first time daw ito makita ni doktora. Tinuruan pa siya ng komedyante kung paano gamitin ito.


Matatandaan, nagbigay ng paalala si Dra. Vicki Belo sa kanyang content sa TikTok na pinost niya sa kanyang Instagram na nagbigay babala sa  mga tao sa maaaring maging mga effects na pwedeng maidulot nito kapag ginamit ang nasabing  beauty product.

Ayon sa dermatologist, ang pore vacuum cleaners ay nagbibigay ng hindi mabuting epekto sa balat kaysa magbigay umano ito ng magandang epekto. 

Para mas  maging malinaw ang kanyang point, nirepost niya ang isang Tiktok video ng may handle name na jesus 7853 at ang naturang video ay nagpakita ng isang lalaki na labis na namumula ang kanyang mukha na sinabi naman ng lalaki na resulta ito ng paggamit niya ng pore vacuum cleaner.

Nagbigay ng advice si Dra. Belo na kailangan kumunsulta sa isang professional dermatologist kung gusto talaga ng isang tao na matanggal yung mga blackheads at whiteheads kaysa gumamit ng pore vacuum cleaner.



Ipinaliwanag din ng Dra. ang mga repercussions sa paggamit ng pore vacuum cleaner ay maaaring maging severe enough na ang isang tao ay kinakailangan pang mag undergo ng laser therapy. 

Si Dra. Vicki Belo ay isang sikat na dermatologist at television personality. Siya ay founder, CEO at Medical Director ng Belo Medical Group.

Ikinasal siya sa kanyang boyfriend na si Hayden Kho sa Paris noong 2017. Noong May 2016, pinakilala nila ni Belo at Hayden Kho ang kanilang anak na si Scarlet Snow Belo.

Ang kanilang anak na si Scarlet Snow ay sinasabing natapos na nito ang kanyang kindergarten. Maalalang pinost ito ni Hayden ang naging achievements ng kanilang anak. Ibinahagi niya ang isang photo na kung saan nakasuot ang kanilang anak ng graduation gown.