Naglabas na ng saloobin ang vlogger na si Virgelyn sa kanyang YouTube channel na "Virgelyn Cares 2.0" tungkol sa kontrobersyal na pahayag sa kanya ni Mura.

Ito ay matapos naglabas din ng pahayag si Mura sa kanyang Facebook live at sinabi niyang patas lang umano sila ni Virgelyn na natulungan siya at natulungan din niyang dumami ang mga subscribers pa nito. 

Ayon pa kay Mura, natural lang daw na tulungan siya ni Virgelyn dahil isa itong vlogger. 

 "Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit," 

"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon," ang bahagi ng mga nasabi ni Mura sa kanyang live video na ikinagulat ng marami. 

Agad naman itong sinagot ni Virgelyn sa kanyang vlog na pinamagatang, "Mura para sa'yo ito."

"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob," panimula ni Virgelyn. 

"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun." 


"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin" 

Nilinaw din ni Virgelyn na bago pa man niya natulungan si Mura ay marami na umano ang kanyang mga subscribers dahil sa marami na rin siyang tao na natulungan na mabago ang kanilang buhay. 

"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung nanay na gumagapang sa tubuhan... marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun" 

"Bawas-bawasan natin Mura 'yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao." "Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan" 

Humingi rin ng paumanhin si Virgelyn na hindi siya nakapag reply sa mga text nito dahil umano sa mga naibulalas nito sa kanyang live. 

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. 

Sa kanyang mga vlogs, makikita na maraming tao na siyang natulungan at marami na ring buhay ang nagbago dahil sa pagmamalasakit niya sa kanyang kapwa. 


Source: kami