Marami ang nagulat matapos ibinahagi ni Oyo Sotto ang mga 'misconceptions' noon sa misis niya na si Kristine Hermosa.

Sa isang segment ng YouTube channel ni Toni Gonzaga na "Toni Talks," dito naibahagi ni Oyo ang maling pananaw ng mga tao sa kanyang misis sa panayam ni Toni sa kanilang mag-asawa.

Nag open si Toni ng topic tungkol sa mga 'misconceptions kay Tin noon. "May misconception kay Tin eh." 

Nag agree naman si Tin sa sinabi ni Toni at sinabi niyang, "marami."

Dito, ibinunyag ni Oyo na ang mga karaniwang 'misconceptions' kay Tin ay galing pa umano sa mismong pamilya niya. 

"Actually, yun din sinasabi ng mga pinsan ko sakin nun dati. 

Kahit mismong mommy niya sinabi na masama raw ugali ni Kristine Hermosa.

Kahit yung mom ko nun, 'Masama raw ugali niyan kasi ganun yung sinasabi sakin.' 

'Alam ko na yung mga tsismis na yun, ma.' Sabi ko, 'Pero iba kasi pag nakakausap mo na yung tao."

Napag-usapan din nila ang simula ng kanilang love story. Unang nagkakilala sina Tin at Oyo noong 2004 sa set ng pelikulang 'Enteng.'


Ibinahagi din ni Tin na nagsimulang nagkaroon siya ng feelings kay Oyo nang ma-hospitalized ang kanyang ex-boyfriend. 

Nang ma-hospital umano ang kanyang ex, wala na umano siyang naramdaman na nataranta siya sa nangyari. Hindi gaya noong una na mabilis lang siyang mataranta kapag may masamang bagay na nangyari sa kanyang ex. 

"Okay, I'll just pray for him," ito na lang tanging nasabi ni Tin sa kanyang ex noon.

At noong 2009, nag propose si Oyo kay Tin kahit hindi pa sila mag on noon. Nangyari ang proposal sa isang bible study sa mismong kaarawan din ni Tin.

Hindi umano nakaplano ang ginawang proposal ni Oyo para kay Tin sa araw na iyon. 

"It was very unplanned and parang very raw talaga eh…" paliwanag ni Oyo.

Nang nag propose na umano si Oyo kay Tin matapos na siya sabihin ang, "Will you marry me,?" Tumakbo si Tin sa likod dahil natakot umano siya.

Nagtago si Tin sa bahay ni Danica at nagdasal siya. "Lord, what's this? What's happening?" sabi ni Tin. "Hindi naman kami ah, ba't siya mag po-propose?"

Matapos ang mahigit limang minuto, bumalik si Tin at doon na niya sinagot si Oyo. 

Marami umano ang mga nag-iyakan dahil sa nangyari dahil nag propose si Oyo kahit hindi naman sila mag jowa noon. Magkaibigan lang sila. 


"What keeps you together for 11 years?" tanong ni Toni sa mag-asawa.

"Walang secret, si God lang talage eh. Alam mo na-imagine ko yung buhay ko kung wala si God, wala eh, malamang di kami umabot ng 1 year," sagot ni Oyo.

"Hindi naman araw-araw mahal mo yung asawa mo kahit na si Kristine Hermosa pa 'to.

Naniniwala talaga ako na ang love hindi siya feelings eh...kasi nagbabago eh," dagdag pa ni Oyo.

"Love is a decision naman talaga. It's a commitment. Dahil hindi naman talaga everyday nakakatuwa yung ugali niya. It's a choice," sabi ni Kristine.

Panoorin ang buong video dito!