Nag release ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng "wanted poster"  ni  Pastor Quiboloy,  ang tinaguriang "Son of God" ng Pilipinas matapos kinasuhan ng sex trafficking charges. 

Kilala si Pastor Quiboloy sa tunay na pangalan bilang si Apollo Carreon Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ Church (KOJC).

Sa website ng FBI, naka post ang picture ng pastor at nakalagay din ang mga descriptions ng kanyang mga kaso.

Nakasaad dito na si Quiboloy ay haharap sa kaso ng Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking for Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Conspiracy; Bulk Cash Smuggling."

“Quiboloy was indicted by a federal grand jury in the United States District Court for the Central District of California, Santa Ana, California, for conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; and bulk cash smuggling, and on November 10, 2021, a federal warrant was issued for his arrest,” nakasaad dito.

If you have any information concerning this person, please contact your local FBI office or the nearest American Embassy or Consulate. Field Office: Los Angeles,” dagdag pa. 

Ayon sa FBI, nagdala umano siya ng mga church members sa United States, via fraudulently obtained visas at pinilit umano silang mag solicit ng donations para sa isang bogus charity.


At ang mga nasabing donations ay ginamit umano sa pag finance sa kanilang simbahan at nakinabang na rin ang mga leaders ng simbahan sa nasabing donasyon.

Nakasaad din dito, ang mga members na naging successful umano sa pag solicit para sa simbahan, ay diumano pwersang pinapasok sa sham marriages o "obtain fraudulent student visas" para patuloy pa rin ang pag solicit sa United States. 

Dagdag pa nito, di umano'y may mga babae na na-recruit para magtrabaho bilang personal assistants o "pastorals" para kay Quiboloy.


At ang mga di umano'y biktima ay ang maghahanda ng kanyang pagkain, maglilinis ng kanyang residences, masahe at require ang pakikipagtalik umano kay Quiboloy na siyang tinatawag nilang "night duty."


Si Quiboloy ay isang influential evangelist, self-proclaimed na owner ng universe at ang tinaguriang "Appointed Son of God."

Si Pastor Quiboloy din ang nasabing spiritual adviser ng ating pangulo, President Rodrigo Duterte.

Nitong nakaraang November 19, 2021 lamang, inanunsyo ng U.S. prosecutors na sinampahan nila ng kasong sex trafficking si Quiboloy at ang iba pang administrador ng kanyang simbahan dahil sa diumano’y pang-aabuso sa mga kababaihang may edad 12 hanggang 25.

Source: facebook