To the rescue agad si RR Enriquez kay Toni Gonzaga matapos magbitiw ng pahayag si Dawn Chang laban kay Toni. 

Nakatanggap kasi ng mainit na komento at mga pambabatikos ang TV host-actress na si Toni matapos siyang nag host sa UniTeam nila Bongbong Marcos sa Bulacan.

Marami na rin ang nag 'cancel' kay Toni G. sa social media at pinuna siya ng mga netizen sa pagpayag niyang maging host ng UniTeam proclamation rally nitong Pebrero 8, 2022. 

Marami sa mga naging kritiko ni Toni ang kumuwestyon sa ‘loyalty’ at delicadeza ng TV host-actress.

Dahil isa sa mga senatorial candidate na ipinakilala niya ay si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020.

“Tapos na, may nanalo na, tapos ang laban. Buhay na buhay ang pagmamahal kay Apo Lakay Ferdinand Marcos” [after martial law song] “Bagong Lipunan," sigaw ni Toni sa buong sambayanan na nandoon. 

Sa Instagram ni Dawn Chang, mabilis siyang nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa ginawa ng aktres.

“I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga…" sulat ni Dawn sa kanyang Instagram.


“I just believed that Toni stood up to what she believes in,” bungad nito. Punto niya, kung si Dawn nga ay may karapatan sa kanyang pinaninindigan, ganoon din daw si Toni.

Labing anim (16) na taon ding naging main host ng Pinoy Big Brother si Toni kung kaya't sanay na ang mga manonood na siya ang nagpapatakbo at humahawak sa programa.


Ayon  sa kanyang post, "It has been my greatest honor to host PBB for 16 years" Dagdag pa ng batikang host masaya siyang masilayan ang kanyang mga dating housemates na maging mga host rin ng PBB at isa ito sa best moment ng kanyang buhay. 

"Today, I'm stepping down as your main host" ayon pa kay Toni.

Samantala, inindorso ni Toni ang kanyang kasamang host na si Bianca Gonzalez na pumalit sa kanya bilang main host ng kanyang programa.

Nakatanggap naman ng suporta si Toni sa kanyang mga co-host sa naturang show. Isan na riyan sina Mariel Padilla at Bianca Gonzales at ilan sa mga kilalang personalidad.