BARRETTO VS. BARRETTO
Binawian na nga ng buhay ang ama ng mga Barretto na si Mister Miguel Alvir Barretto nito lamang ika-15 ng Oktobre, 2019. Si Miguel Elvir Barretto ang ama ng prominenteng mga Barretto sa showbiz na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine. Ang iba pa nitong mga anak ay sina Mito, Michelle, Joaquin, at Gia. Ilan sa mga kilalang apo nito ay sina Julia, Dani, at Caludia Barretto.
Kasama rin sa naiwan sa kanyang pagpanaw ay ang kanyang asawang si Estrella ‘Inday’ Barretto. Bumuhos ang pakikiramay para sa pamilya ngunit kasabay nito ay ang mga ugong-ugong rin ng posibilidad na pagkakabati ng magkakapatid na Barretto.
Si Mister Miguel Alvir Barretto ay kaka-diwang lamang ng kanyang ika-82 kaarawan ng magsimula ang sunod sunod nitong pagkaka-ospital. Sa mismong kaarawan daw nito nagsimula ang pagkakasakit ng ama ng mga Barretto.
Narito ang buong pahayag ni Marjorie na ipinost sa kanyang Instagram account tungkol rito:
“Exactly one week ago today, we were celebrating my Dad’s 82nd birthday over lunch in my house. Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and fell very ill. My siblings and I rushed him to the nearest hospital. I could say it was the nearest time for us all. After that day, it’s been series of ambulance transfer, family meetings, nonstop praying, and family gatherings at the ICU waiting area. A lot of love and support has been shown to us most especially to our wonderful dad”.
Tatlong araw bago pa man pumanaw ang ama ay nagbigay rin ng mensahe si Claudine sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ipinahayag niya rito ang pasasalamat sa isang malapit na kaibigan ng kanyang ama dahil sa pagdiwang nito ng kaarawan sa piling ng ama.
Ito ang naging buong pahayag ni Claudine sa kanyang Instagram post:
“Best friends since Grade school. 70 years of friendship that you can only pray for. Was not going to post this but my Dads face lit up when his bff Tito TONY SYAP spent his birthday with my Dad. Thank you Tito Tony.”
Ilan pang mga larawan ang ipinost ni Claudine habang ang ama ay nasa ‘hospital bed’ nito. Marami rin ang nagpahayag ng dasal sa paggaling kanilang ama. Kabilang rito ang mga personalidad na sina Alice Custodio at Bianca Lapus.
Napakabilis diumano ng mga pangyayari ayon kay Marjorie att tuluyan na ngang binawian ng buhay ang patriyarka ng mga Barretto. Ayon kay Claudine, ito na raw marahil ang pinakamalungkot na araw sa kanilang buhay.
Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang mga kaibigan ng pamilya sa showbiz katulad nila Ruffa Gutierrez, Beerly Vergel, Donna Cruz, Sunshine Cruz, at Christine Bersola, na pawang mga malalapit na kaibigan ni Gretchen Barretto.
Kapansin-pansin na mula ng nakaratay pa lamang ang ama hanggang sa binawian na ito ng buhay ay hindi man lang dumalaw ang isa sa magkakapatid na Barretto na si Gretchen.
Sa magkakasunod ng mga Instagram posts ng magkakapatid sa social media, makikita ang komento ng mga netizens kung saan umaasa silang matapos na hidwaan ng magkakapatid at pumunta si Gretchen, alang-alang lamang sa kanilang yumaong ama.
Matatandaang nagkawatakwatak ang mga Barretto ng higit isang dekada dahil sa iba’t-ibang away na kanilang kinasangkutan. Isang prominenteng pamilya ang nabuo sa pangalan ng mga Barretto matapos pumasok ni Gretchen sa Showbiz sa murang edad.
Sumunod sa kanyang yapak ang kapatid na si Marjorie Barretto na sinundan rin ng labis na pamamayagpag sa Showbiz ng isa pa nilang kapatid na si Claudine Barretto.
Kamakailan lamang ng masaksihan ng publiko ang pagbabati ng dalawa sa magkakapatid at sa pamilya na sina Gretchen at Claudine. Ngunit nanatili pa ring magkagalit si Gretchen at ibang miyembro ng pamilya kasama si Marjorie.
Isa sa pinakabagong issue na kinsangkutan ng magkakapatid ay nang mas kinampihan nina Gretchen at Claudine Barretto si Bea Alonzo sa hidwaan nito sa kanilang pamangkin na si Julia Barretto.
Tila nagkatotoo nga ang hiling karamihan na pag-aayos ng pamilya dahil sa isang post ni Claudine sa Instagram. Makikita sa Instagram post ang pagdalo ni Gretchen sa lamay ng ama. Ayon pa nga kay Claudine ay “proud” siya sa kanyang ate Gretchen at sinabing “I admire and love you more today. Welcome Home”
Kinumpirma rin mismo ni Claudine sa kanya pa ring Instagram account ang pagdalaw ni Presidente Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, at Attorney Panelo sa lamay ng kanilang ama.
Ngunit taliwas sa Instagram post ni Claudine na pagkakakompleto ng kanilang pamilya ay ang pag kalat ng balita sa isa umanong insidenteng naganap sa lamay mismo nang kanilang ama.
Sangkot diumano rito si Gretchen, si Marjorie, isang apo ng Barretto, at ang mismong Presidente. Pumunta diumano ang Presidente sa lamay noong Miyerkules ng gabi dahil sa pagkakaibigan nito kay Gretchen at sa pamilya.
Una na raw ipinaalam sa pangulo na mayroong gusot sa pagitan ng mga Barretto kung kaya’t inaasahan na raw nito ang mga posibleng tensyon at pangyayari.
Ngunit kahit na raw alam na ito ng Pangulo ay nagulat pa rin daw ito sa nasaksihan ng gabing iyon.
Ayon sa mga sources na nandoon ng gabing iyon na dumalaw si Presidente Duterte at Gretchen, hinimok daw ng Pangulo si Gretchen na makipagkamay kay Marjorie bilang nakatatandang kapatid at bilang pagrespeto sa kanilang yumaong ama.
Kalmado lamang daw si Gretchen ng gabing iyon ngunit mahahalatang mainit naman si Marjorie. Tumanggi diumano si Marjorie sa pakiusap ng Pangulo at sa halip ay sinabihan pa ,diumano, si Gretchen na ito ay “plastic” sapagkat nariyan si Presidente Duterte.
Mayroon rin daw isang pagkakataon sa lamay kung saan sinugod diumano si Gretchen ng isang babae. Nasa sulok lamang daw ng panahong iyon si Gretchen at nakikipag-usap sa mga kaibigan nang sugurin siya ng nakilalang isa pala niyang pamangkin ayon sa sources.
Gaganti raw dapat si Gretchen sa pamangkin ngunit pinigilan ito ng mga kaibigan.
Ilang sandali lamang matapos ang nasabing pagsugod ay hindi diumano nakatiis si Gretchen at ginantihan ang pamangkin.
Ayon pa rin sources, hinablot diumano ni Gretchen ang buhok ng pamangkin. Dahil sa mainit na pangyayaring ito ay kinailangang ang Presidential Security Group o PSG pa mismo ang pumagitna at nagpatigil sa dalawa.
Ayon sa mga nakakita, nagkasugat raw ang pamangkin ni Gretchen sa pangyayari. Humingi naman daw ng tawad si Gretchen sa Pangulo dahil sa mga kaganapan.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang pakiusap ng pagkakaayos para sa magkakapatid ay mukhang hindi pa ito mangyayari sa ngayon.
Ayon sa pinakabagong post ni Marjorie sa kanyang Instagram account, pawang kasinungalingan raw diumano ang mga pahayag na ikinakalat ni Gretchen sa “press”.
Ayon pa sa kanya, wag raw basta bastang maniwala ang publiko sa mga ‘statements’diumano ng kanyang kapatid sapagkat kung ito raw ay makikipag-ayaos, sana araw ay ginawa ito ng walang kamerang nakatutok.
Humihingi rin siya ng paumanhin sa Presidente sa pagkakasangkot ng pangalan nito sa hidwaan.
Ito pa ang ibang pahayag ni Marjorie sa kanyang Instagram post:
“Please hold your judgment and opinions until he is laid to rest, then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH. I would like to ask for prayers too. Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger. My sister’s boyfriend is powerful in a very bad way (and I don’t mean Tony Boy) And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out.”
Dahil sa pahayag na ito ni Marjorie ay agad ring nagpahayag ng kanyang panig si Gretchen sa isa pa ring Instagram post.
Nagpost ito ng isang ‘video’ ng insidente sa pagitan nilang dalawa na nagpapatunay diumano na hindi FAKE NEWS ang nangyari sa kanilang dalawa sa lamay ng kanilang ama.
Sinagot rin niya ang mga alegasyon ni Marjorie sa kanya ng isang ring alegasyon patungkol kay Marjorie.
Narito ang isang bahagi ng kanyang Instagram post patungkol kay Marjorie:
“AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY (like you say) YES HE IS POWERFUL. ( in a good way, not bad as you claimed). Your boyfriend is also POWERFUL and certainly IN A VERY BAD WAY, Icountless corruption cases I was told, NOT TO MENTION NUMEROUS MOLESTATION CASES, AM I CORRECT? I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.”
Samantala, tanong naman ng publiko ay kung makakadalo ba sa lamay o libing ang anak ni Gretchen na si Dominique.
Di tulad ng kanyang ina, maayos naman ang relasyon ni Dominuque sa kanyang mga pinsan na sina Dani at Julia Barretto.
Hiling ng lahat na wakasan na ang sigalot sa magkakapatid sa pagkat hindi naman rin sila mga bata pa.
Sources:
Marjorie’s IG
Claudine’s IG
Gretchen’s IG