Sa ika-anim na episode ng Raffy Tulfo in Action tungkol sa nag-viral na insidente kay Tatay sa e-jeep, nakaharap na ng drayber na si Jowel Espiritu at konduktor na si Montano Ocampo si Tatay at personal na ipinaliwanag ang kanilang panig sa insidente.






Humingi ang drayber ng pasensya kay Tatay sa kanyang nasabi sa insidenteng iyon at nagpaliwanag na hindi niya ito sinasadya.

“Ako naman po eh tao lang na marunong din magpatawad. Kaya lang sa ginawa nito ay mukhang hindi ko mapapatawad eh, dahil gawa nang may lakas ng loob na yung babae, lalo pang nagkaroon ng lakas ng loob nung sinabi ng drayber na tirahin nyo na,” saad ni Tatay matapos marinig ang paliwanag ng dalawa.

Ayon kay Tatay, sana raw ay binigyan siya ng drayber ng pagkakataon na magkaroon ng laban. Imbis raw na awatin ay ginatungan pa raw nito si alyas ‘Linda’ kung kaya’t nagkaroon ng kaguluhan sa sasakyan.

Pati rin daw ang konduktor ay mayroong pagkakamali sa nangyari. Ayon kay Tatay, dapat raw ay pinagsabihan man lang nito ang babae na hindi totoo ang mga alegasyon nito.

Dahil rito, nakatanggap ng pangaral ang dalawa galing kay Raffy Tulfo mismo. Tinawag ni Tulfo na kaskasero ang drayber na si Jowel. Tinanggap naman ng maluwag ni Jowel ang bansag sa kanya ni Tulfo at nakinig sa mga pangaral nito.






Nang muling tanungin si Tatay kung ano ang plano niya sa drayber at konduktor, desidido raw siyang kasuhan ang drayber.

“Sa akin naman e, pinipilit kong reviewhin yung CCTV nung kagabi. Pero nakita ko talaga eh, masama ang ano ng drayber eh. Kaya sabi ko, wala na. Diretso na rin to sa kaso na isasampa ko,” saad ni Tatay.

Ayon sa abogado na kanilang kinonsulta, maaring kasuhan ang drayber ng Accomplice. Ito ay ang pagtulong daw nito na magkaroon ng pambubogbog kay Tatay. Ang kasong ito ay may sentensyang pagkakakulong na umaabot ng dalawa hanggang apat na taon.

Ayon kay Tulfo, wala na sanang kinalaman ang drayber sa kaso kung hindi dahil sa mga netizens na nag-udyok sa kanila na muling panoorin ang CCTV. Dahil dito, binigyan ni Tulfo ng pagkakataon ang drayber na magbigay ng mensahe sa mga netizens.

“Pasensya na kayo kung ako’y nakasabi kay Tatay ng ganun. Akoy humhinhi ng tawad sa inyo. Naghahanap buhay lamang po ako. Humihingi ako ng tawad sa inyo, kung ano ‘yung nasabi ko. ‘Tsaka kay Tatay, sana patawarin na ninyo ako, naghahanap buhay lang po ako,” sabi ni Jowel.

Ngunit matapos makita ng mga netizen ang paghaharap na ito ay nahati ang kanilang mga opinyon. Nagkaroon ng mga komento na nakikita umano nila ang sinseridad ng drayber sa pagsasabi ng totoo at paghingi ng tawad. Baka sana raw ay huwag nalang isama ang drayber sa kaso dahil may punto rin naman ito na hindi nito alam ang totoong pangyayari at natural lamang ang naging reaksyon nito kapag nakakarinig ng pambabastos sa isang babae.

Ngunit, sa kabila ng mga ito ay matibay pa rin ang paninindigan ni Tatay na isasama nito sa kaso ang drayber. Pinayuhan naman ni Tulfo ang drayber na palamigin na muna si Tatay at baka mapatawad pa siya nito.





READ MORE: