Gretchen Barretto, ipapa Tulfo raw si Marjorie Barretto?

Simula ng muling umusbong ang away sa pagitan ng mga Barretto ay hindi na ang mga  ito naawat sa pagpapalitan ng alegasyon at akusasyon sa isa’t-isa.






Kaliwa’t-kanan ang pagpopost ng dalawa na naglalaman ng mga paninira at kanya kanyang bersyon ng katotohanan.

Kagabi lamang ay tinupad na ni Marjorie ang isa sa mga isinaad niya sa kanyang post. Nagpaunlak siya ng isang eksklusibong panayawam para sa umano’y katotohanan sa lahat ng pangyayari.

Dahil rito, napuno na naman ang Instagram account ni Gretchen Barretto ng mga bwelta niya sa mga inilahad ni Marjorie.




Sinusubaybayan ng lahat ng kanyang mga tagasunod ang bawat storya (stories) na ipinopost nito na pawang mga opinyon rin lang ng mga taong sumusuporta sa kanya.










Hanggang sa isang tagasunod o follower nito ang nakapansin na isa rin palang tagahanga ni Raffy Tulfo si Getchen. Si Raffy Tulfo ang host ng programang Raffy Tulfo in Action na kilala sa pag-aayos ng mga gulo o pag-aksyon sa mga pangyayari. Tinaguruan itong ‘Sumbungan ng Bayan’ dahil sa mga problemang nagawa nitong ayusin.







Ang natuklasang ito ng mga tagasuporta ni Gretchen ay nagsimula sa mga spekulasyon na dadalhin ni Gretchen  ang kanilang away sa programa ni Raffy Tulfo.

Nagpost mismo si Gretchen ng isang screenshot ng pag-fofollow niya kay Raffy Tulfo na kinunan ng kanyang taga suporta.

“E may finallow si @gretchenbarretto sa IG! May nalalaman ka pang TV patrol @marjbarretto ha? Lagot!,” komento ng netizen na taga suporta ni Gretchen.

Madaming mga netizen ang nakapansin nito at naintriga kung mayroon nga bang posibilidad na dalhin ni Gretchen ang hidwaan sa kanilang magkakapatid sa programa ni Raffy Tulfo.

Maalalang dati nang nagbiro si Raffy Tulfo sa kanyang programa na iimbitahin niya sa kanyang programa sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. Nitong taon lang rin na ito ay nasangkot si Julia Barretto sa isang issue na inagaw niya umano si Gerald mula sa girlfriend nitong si Bea.

Ito ang pahayag ni Raffy Tulfo tungko dito.