Bilang selebrasyon sa ika-sampung anibersaryo ng programang It's Showtime, ipinakilala na ng koreanong host na si Ryan Bang ang kanyang bagong girlfriend… na imahinasyon lamang ng kanyang Magpasikat Performance.
Ito ay bahagi ng konseptong napili nina Ryan Bang at ng kasama nito na si Karylle para sa kanilang Magpasikat performance noong Miyerkules.
Binigyang katuparan ni Karylle ang mga pangarap ni Ryan Bang na siya'y maging isang KPOP Superstar na hinahangad at kinagigiliwan ng maraming tagahanga. Kasama na rin dito ang pagkakaroon niya ng girlfriend. Ito raw ay niligawan ni Ryan ng mahabang panahon bago naging kasintahan.
Ayon sa performance, taong 2029 na ng makamit nang lahat ni Ryan Bang ang mga pangarap.
Ang gumanap bilang kanyang girlfriend ay si Ara Dabao, ang anak ng mga personalidad na sina Jacki Lou Blanco at Ricky Davao.
Sa ganda ng Ara, nagbiro pa si Ryan Bang na sana raw ay totoo ang sinabi ng babae na proud siya kay Ryan bang dahil madali daw siyang mahulog o ma-fall.
"Sobrang proud ako sa iyo," saad ni Ara.
"Sana totoo. Mabilis akong ma-fall eh," hirit naman ni Ryan Bang.
Matagal nang hindi nababalita ang pagkakaroon ni Ryan Bang ng karelasyon. Naging tumpulan rin ito ng tukso ng kanyang kapwa hosts sa It's Showtime dahil sa hindi nito pagkakaroon ng girlfriend.
Nakasama nila Ryan at Karylle sa kanilang Magpasikat Performance ang mga mang-aawit sa Tawag ng Tanghalan. Ang konsepto ng kanilang pagtatanghal ay ang patuloy na paglaban sa pangarap at at hindi pagpapatinag sa mga pagsubok na ibinabato sa buhay.
Ngunit, ang kwento ng buhay at mga pinagdaanan ni Ryan Bang ang talagang naging sentro ng kanilang pagtatanghal. Ayon kay Karylle, nais niyang ibigay ang ang pagkakataong ito kay Ryan Bang para sa espesyal na Magpasikat 2019.
Sa pamamagitan ng isang rap na si Ryan Bang mismo ang nagsulat, ibinahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan magmula ng siya'y umalis sa Korea at nag-aral sa Pilipinas.
"Sa buhay, ang importante ay hindi lang dahil sa iyo kung hindi 'yung mga nakapaligid sa iyo. Ako, naging mabuting tao ako dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ay mabuti. Sana po pili kayo ng mabuting tao para maging mabuti ka rin," mensahe ni Ryan Bang sa mga manonood pagkatapos ng kanilang pagtatanghal.
Source: abs-cbn.com