Hindi pa rin natatapos ang mainit na usapan tungkol sa umano'y hindi makatarungang hatol sa isang guro ni Raffy Tulfo sa kanyang programa.
Ang protesta ay laban kay Tulfo na labis na kinondena ng publiko dahil sa ginawang desisyon sa isang pangyayaring idinulog sa kanyang programa.
Ayon sa mga nagpoprotestang mga guro, huwag hayaang manaig si Tulfo. Ito ay laban sa umano'y ginawang 'trial by publicity' ng sikat na program host.
Ang mga gurong ito ay bahagi ng Alliance for Concerned Teachers mula sa iba'-ibang paaralan sa Maynila. Isinagawa ng mga ito ang kanilang kilos protesta sa Liwasang Bonifacio.
Layon ng mga ito na suportahan ang gurong si Melita Limjuco, 55 taong gulang. Bago nagbago ang kanyang desisyon, pabor si Tulfo na tanggalan ng lisensya si Limjuco dahil sa isang paratang na pagpapahiya umano nito sa kanyang estudyante.
Matapos ma-ere ng episode na ito ng programa ni Tulfo ay humakot ng simpatiya ang guro mula sa publiko habang si Tulfo naman ay umani ng kritiko at pati galit mula sa dismayadong mga manonood.
Dahil rito, naglabas ng pahayag si Tulfo sa pamamagitan ng kanyang programa kung saan isinaad nito ang paghingi ng tawad ukol sa desisyong hindi nagustuhan ng publiko.
Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang DepEd ukol sa mainit na usaping ito.
Dahil sa mga ito, mukhang nagkakaayos na ang panig nina Tulfo at ng mga guro.
Gayunpaman, mukhang hindi pa rin sapat sa mga gurong ito na nasa viral na mga larawan ang ginawang paghingi ni Tulfo ng tawad.
Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi lahat ay pumanig sa mga guro. Marami ang hindi natuwa sa ginawa nilang ito.
Karamihan ay nagsasabing hindi na umano tama ang ginawang rally dahil si Tulfo ay humingi na naman na ng tawad. Hindi naman raw umano kriminal si Tulfo upang gawan nila ng ganito.
Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens na nangyaring protesta:
"Oa na masyado. Wala din sa lugar. Akala mo sila lahat siniraan. Exaggerated."
"Dapat dun sa nagreklamo [kayo] magalit. OA 'yung nagreklamo. Nagdesisyon lang naman si Sir Tulfo base sa sumbong nila."
"...madrama talaga ang Filipino, nagpakumbaba na nga si Sir Raffy talaga."
"May mga teacher din naman talaga na na-nanakit ng estudyante atsaka ang hilig pa mag-mura kaya lesson to learn na 'yan para sa mga guro."
Muli na ring naglabas ng pahayag si Tulfo ukol sa mga namba-bash sa kanya.
"I-bash niyo po ako maghapon magdamag. I will keep doing what I'm doing which is to protect the children who are being abused, who are being maltreated. Hindi po ako titigil. Ipagpapatuloy ko po ito sa dulo ng walang hanggan kahit na po mag-kamatayan tayo," pahayag ni Tulfo.
Source: oeyboy28