Umani ng iba't-ibang reaksyon ang pinaka-bagong pangyayari na idinulog sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay tungkol sa umano'y pagpapahiya ng isang guro sa kaniyang estudyante na nagdulot umano ng trauma sa bata.

Inireklamo ng mga magulang at lola ng isang bata ang guro na si Melita Limjuco, 55 taong gulang, dahil sa hindi umano nito makaturangang ginawa sa bata.

Ayon kay Salve BaƱez, lola ng bata, pinalabas raw ng teacher sa klase ang kanyang apo at napahiya.


Ang ina naman ng bata na si Rosemil Edroso, 26 taong gulang, ay naging emosyonal habang isinasalaysay ang nangyari sa kaniyang anak.
Hiling ng mga ito na kasuhan o tanggalan ng lisensya ng nasabing guro.

"Hindi makatarungan 'yung ginawa mo sa apo ko kaya dapat mabigyan ka ng leksyon! Gusto ko magpahinga na siya sa bahay nila…,

"Kahit may nararamdaman 'yan pinapapasok namin yan dahil ayaw niyang uma-absent. Tapos gaganyanin mo lang. Hihingi ka sa akin ng sorry? No sorry!," galit na saad ng lola ng bata.


Base sa salaysay ng lola ng bata, pinalabas umano ng teacher ang kanyang apo matapos magalit sa bata dahil hindi nito dinala ang kard na dapat umano ay isasauli sa guro.

Nakunan ng CCTV ang pangyayaring tinutukoy ng mga nagrereklamo. Pinalabas ng guro ang isang estudyante at pinaupo bago iniwan upang bumalik sa klase. Ilang minuto umano nitong iniwan ang bata sa labas.

Masakit umano para sa mga magulang ng bata na napahiya ang anak dahil pinagtinginan umano ang bata ng mga dumaraan rito.


Hindi lamang umano ito ang ginawa ng guro dahil dati na raw itong may ginagawang hindi maganda sa bata. Minsan na raw umano nitong binatukan at tinuktukan sa ulo ang estudyante.

Depensa naman ng guro, ito lamang ang kanyang paraan ng pagdidisiplina sa estudyante. Humingi rin ito ng tawad sa kung anumang mali niyang nagawa sa bata.

"Sir yun pong ginawa ko, ang intensyon ko lang po 'dun ay bigyan ng disiplina [yung bata],

"Hindi ko naman po intensyon na gawin yun sa bata na ganun. Humihingi po ako ng pasensya. Humihingi po ako ng tawad," saad ng guro.

Ayon kay Tulfo, mali umano ang guro sa kanyang inasal sa bata. Labag umano ito sa batas at isa umano itong makokonsederang pang-aabuso sa bata.


"Ma'am matanong ko lang ho ma'am sa inyo. Ganun ho ba para sa inyo yung tamang pagdidisiplina ng bata kapag, halimbawa, nakalimutan lang dalhin yung kard?," tanong pa ni Tulfo sa guro.

Ayon kay Tulfo ay malaki umano ang posibilidad na makulong ang guro dahil sa ginawa nito. Ilalakad umano nito sa korte ang kasong 'Child Abuse' kapag nagdesisyon itong lumaban sa korte kaysa isauli na lamang ang lisensya bilang guro.

Dahil rito, maraming mga manonood ang hindi sang-ayon sa naging hatol ni Tulfo sa insidenteng ito.

Ayon sa mga ito, hindi makatarungan ang maaring pagkakatanggal ng lisensya ng guro. Ang ginawa ng guro ay natural lamang upang disiplinahin ang mga estudyante.

Wala pa nga raw ito sa mga pagdidisiplina ng guro noong nagdaang mga taon.

Nakakadismaya umano ang episode na ito at isang malaking pag-apak sa propesyon mga guro. Ayon pa sa isa sa mga komento, "Walang kwentang reklamo."

Sa pagkakataong ito, ang mga manonood ay salungat sa ginawa ni Tulfo at ang lahat ay pumanig sa guro.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit sa 200 000 dislikes ang episode na ito. Patuloy rin ang pagdami ng mga komento kung saan ang ilan ay humihingi ng public apology para sa mga guro.
Watch video here: