Naniniwala ka ba sa himala? Naniniwala ka ba na pwede pang mabuhay ang isang taong idineklara ng patay? Kung ito man ay totoo, paano ito nangyari?

Trending kamakailan lang ang isang Facebook post kung saan nabuhay umano ang isang batang namatay na. Gaano kaya ito katotoo?

Ayon sa Facebook post ng isang Facebook user na may pangalang MyMine Tangaro Pepito, isang bata umano, mula sa Lanao del Norte, ang muling nabuhay apat na araw matapos itong mamatay.

Nakakapanindig balahibo ang naturang pangyayari sapagkat tatlong araw na umanong na-ilibing sa lupa ang batang ito at mag-isa lamang umanong hinukay ng ina ang bangkay ng kanyang namatay na anak sa sementeryo.

Ayon sa detalyeng inilagay ni Pepito, ika-21 umano ng Disyembre ng mamatay ang bata. Limang taong gulang lamang raw ang batang ito. Isang araw lamang ang lumipas matapos nitong mamatay, ika-22 ng Disyembre, ay agad nang inilibing ang bata.

Ngunit, ilang araw matapos ay nagpakita umano ang bata sa panaginip ng ina. Humihingi umano ito ng tulong at uhaw na uhaw. Gusto umano ng bata na balikan siya ng ina.

Kaya naman, nung mismong Pasko, ika-25 ng Disyembre, ay hinukay ng ina ng bata ang nakalibing nitong bangkay at iniuwi.


Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay totoo umanong mayroon pang pulso ang bata. Dumudugo rin ang ilong nito at patuloy na umaagos ang dugo mula sa ilong nito.

Bagama’t nangingitim na ito at hindi na rin gumagalaw, hindi umano maikakaila na mayroon pa talagang pulso ang bata.

Pumunta na rin umano ang isang nars, midwife, at pulis upang tingnan kung totoong buhay pa ang bata. Iisa lamang ang sagot ng mga ito. Mayroon pang pulso ang bata, palatandaan na itoay talagang buhay pa.

Hindi naman makapaniwala ang mga netizens sa naturang Facebook post ni Pepito. Ngunit, idiniin ni Pepito na ito’y totoo at saksi siya sa nakakaawang sitwasyon ng bata at ng ina nito.


Dagdag pa ni Pepito, maging ang mga kapatid ng bata ay mayroon ring dugong umaagos mula sa mga ilong nito. Isang bagay na hindi rin nito maipaliwanag.

Kaya naman, amo’t-sari ang naging komento ng mga tao. Karamihan talaga sa mga ito ay nagtatanong kung ito ba talaga ay totoo.

Mayroong ring iba na nagpahayag ng kanilang spekulasyon. Ayon sa kanila, baka raw na-comatose lamang ang bata at dapat nang dalhin sa ospital. Meron ring iba na iminungkahi na dalhin na lang bata sa simbahan upang mabasbasan.


Nagbabakasakali rin ang ibang mga netizen kaya kanilang ti-nag (tag) ang mga programa gaya ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Raffy Tulfo in Action upang matulungan ang kawawang mag-ina. Ginawa rin nila ito upang malaman na rin ang umano’y katotohanan sa likod nito.

Ayon kay Pepito, bago namatay ang bata ay dinala pa raw ito sa ospital dahil lamang sa biglaang lagnat. Patay na rin daw talaga ang bata ng ilagay ito sa ataul dahil matigas na ang katawan nito at masangsang na rin ang amoy.

Ngunit, nang hinukay na ito, maliban sa pangingitim at hindi paggalaw, ay wala umano itong amoy at hindi rin naman daw matigas ang katawan nito.


Kaya naman, tunay na nakakapanindig balahibo ang naturang pangyayari. Ayon sa mga komento, tanging Diyos lamang talaga ang nakaka-alam ng lahat. Kung ito man ay totoo o hindi, at kung totoo mang buhay o nabuhay ang batang ito, Diyos lang rin daw ang nakakaalam.

Sa kasalukuyan ay umani na ng mahigit sa anim na libong shares ang naturang Facebook post at patuloy pa ring dumarami. Maliban sa samu’t-saring mga komento, umabot na rin sa halos dalawang libo ang mga reaksyon na nakuha nito galing sa mga netizens.

Source: Facebook