Sinong mag-aakala na sa kakalaro lamang ng Mobile Legends ay makikilala ng isang Renz Reyes ang babaeng kanyang iibigin at pakakasalan?
Ito ang kakaibang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang ML players, o manlalaro ng Mobile Legends na sina Renz Reyes at Lou Dela Serna. Ang kanilang kwento na hinangaan at agad naging viral sa social media.
Kakaiba ang naging pag-iibigan ng magkasintahang ito dahil hindi tipikal ang kanilang paraan ng pagkakakilala. Nagkakilala kasi ang dalawa sa kakalaro lamang ng online game na ML o Mobile Legends.
Ayon pa kay Lou, hindi umano nito inasahan na sa kakalaro lamang niya ng ML ay makikilala niya na ang kanyang ‘forever’.
Image galing kay Lou Dela Serna
Kamakailan lang ay pinag-usapan ng online world ang naging Facebook post ni Lou kung saan, ibinahagi nito ang pagpayag niyang maikasal kay Renz.
Ayon Lou, hindi man niya inaasahan ang naging proposal ng kasintahan ay walang pag-aalinlangan niya pa rin itong sinagot ng matamis na ‘yes’.
Galing umano sa isang ML tournament si Lou sa ibang bansa nang mag-propose ng kasal itong si Renz. Maliban sa sa nadaramang lungkot dahil sa pagkatalo sa naturang kompetisyon, pagod na pagod rin daw ito galing sa byahe.
Gayunpaman, nang araw ring iyon ay siya ring kaarawan ni Lou kaya ang inakala niyang simpleng ‘happy birthday’ lang galing kay Renz ay naging ‘will you marry me’ na pala.
Kilig na kilig naman ang marami nang ibihagi nila Lou sa Facebook ang mga larawan ng nangyaring proposal. Sa isang kama ay naroon ang isang bouquet ng bulaklak at katabi naman nito ang singsing. Sa gilid naman ng kama ay nakasabit ang mga lobo kung saan mababasa ang tanong na Will you marry me.
“Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently. Now He gave me you. I love you so much!,” ang naging matamis na mensahe ni Lou kay Renz.
Talo man umano sa pinanggalingang ML tournament ay walang mapagsidlan naman ang kasiyahan ni Lou sa ginawang surpresa at proposal ni Renz sa kanya.
Sa panig naman ni Renz, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan maisakatapuran lamang ang planong proposal kay Lou.
Ayon sa kanya, ilang beses umanong naudlot ang kanyang pagpo-propose dahil sa mga naging talo niya sa tournament.
Gayunpaman, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong iyon at tuluyan nang tinanong si Lou ng kasalan.
Ani pa nga nito,
“Don't wait for the right time, kase ang buhay ay complicated! Hindi lahat ng gusto mo mangyayare.
KAYA AKO NA GUMAWA NG TADHANA NATIN DALAWA! Ito na nga nagpropose na ko sayo.”
Dagdag rin ni Lou, hindi man umano naging maganda ang simula ng kanilang relasyon at hindi man naging masaya lahat ng kanilang pinagdaanan, masaya ito dahil nanatili silang matibay at ngayon nga ay matutuloy pa sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.
Kaya naman, mainit na pinag-usapan ang nakakilig na proposal na ito kahit ilang buwan na ang lumipas matapos itong mangyari. Patunay lamang ito na kahit saan pa nagsimula o ano man ang pinagdaanan ng isang relasyon, tatagal ito at mauuwi sa kasalan kapag tunay na nagtutulungan at nagmamahalan.
Source: Facebook