Nitong Linggo ng umaga, December 1 ay pumanaw na nga ang ina ni Boy Abunda na si Licerna Capito Romerica Abunda o mas kilala bilang Nanay Lesing.

Si Nanay Lesing ay pumanaw sa edad na 90 taong gulang at nitong darating na bagong taon ay magdiriwang pa sana ito ng kanyang ika-91 na kaarawan.

Sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Bettina Aspillaga na isang kaibigan at katrabaho ni Boy, kinumpirma nitong complications due to pneumonia ang dahilan ng pagpanaw ni Nanay Lesing.

Samantala, nagpost naman sa Twitter ang Philippine Women’s University (PWU) upang ipaabot ang kanilang pakikiramay kay Boy, bilang isang trustee ng nasabing unibersidad.

Ayon sa ipinost nila sa Twitter: “The PWU Community offers heartfelt condolences to Dr. Eugenio ‘Boy’ Abunda, PWU Trustee, on the passing away of his beloved Nanay, Licerna Romerica Abunda.”
Sa salitang waray ay ipinabatid naman ng kampo ni Boy at ng kanyang kapatid at congresswoman ng Eastern Samar na si Maria Fe Abunda ang kanilang mensahe.

Ayon sa post sa Facebook account ng kapatid ni Boy noong Lunes, December 2:
“Malungkot na ipinapabatid ng magkapatid na BOY at MARIA FE, kasama ng kanilang buong pamilya, na ang ina nilang si LICERNA CAPITA ROMERICA ABUNDA, ay pumanaw na noong December 1 ng kasalukuyang taon.

“Si Mother Lesing ay nagsilbi sa gobyerno bilang isang guro, First Councilor ng bayan ng Borongan ng tatlong termino mula 1995 hanggang 2004, at Vice Mayor mula 2004 hanggang 2007.”

Malaki ang naging kontribusyon ni Nanay Lesing  sa Borongan, Samar bilang isang guro at pulitiko.Kasalukuyang nakaburol ang mga labi nito sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Naging emosyonal si Boy nitong nakaraang linggo sa panayam niya kasama si Toni Gonzaga sa programang Tonight with Boy Abunda (TWBA) na isang late-night talk show ng ABS-CBN.


Nang tanungin si Toni kung ano ang isang bagay na kanyang natutunan mula sa verteran host, ang kanyang naging sagot ay natutunan daw niya mula kay Boy ang maging panuntunan sa buhay kung magiging proud ba ang kanyang nanay sa bawat aksyon na kanyang gagawin.

Ayon pa kay Toni: “Yun ang pinakatumatak sa akin, na sa lahat ng gagawin ko lagi ko dapat iisipin, magiging proud ba yung nanay ko sa gagawin ko, sasabihin ko, ipapakita ko sa telebisyon.

“Yun ang hindi ko makakalimutan sa 'yo more than the brilliant interviews that you have done.”
Dagdag pa ni Toni, higit umano sa galing ni Boy bilang host ay ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa kanyang Nanay Lesing.

Dahil nga sa pagiging malapit ni Boy sa kanyang ina at pagmamahal niya rito, nakilala si Boy sa kanyang linyang “Make your nanay proud”. Noong 2014, nakapaglathala rin siya ng isang libro na pinamagatang Make Your Nanay Proud.


Sa panayam na ito at sa dahil sa naging sagot ni Toni, hindi naiwasan ni Boy na maluha at maging emosyonal. Binanggit naman ni Boy na siya nga raw ang mayroong pinagdaraanan, ngunit tumanggi itong idetalye ang mga pangyayari.

Ayon pa kay Boy, “I’m just very sensitive now because of what I’m going through, but thank you.
“Sabi ko nga, kahit makalimutan na ng lahat ang aking trabaho, for as long as people remember that I encouraged them to make their parents, their mothers proud, I’m okay.”

Noong October 2019, sa mismong birthday celebration ni Boy sa The Bottomline, nagbigay ito ng update tungkol sa kondisyon ni Nanay Lesing. Binanggit niya sa programang ito na mayroon nga itong dementia.


Ibinahagi noon ni Boy na, "She’s in the hospital, she’s been in the hospital for like two weeks now."

"She’s the center of my life and I hope she’s not suffering.
"Yun lang naman ang gusto ko sa nanay.
"She’s turning 91 in January.
"Wag lang masaktan.
"So maraming mga procedures, maraming mga desisyon ngayon na ginagawa ang pamilya na pinag-uusapan talaga ng aking pamangkin, ni Bong, ng aking kapatid, because mahirap.
"You know dementia is challenging."

Ipinabatid din ni Boy ang kanyang saloobin at “state of mind” sa nangyaring ito sa kanyang ina.

"Sabi ko nga kanina, when I was praying, I am grateful in both joy and pain.
Grateful because kahit nasasaktan ako, I’m being given the chance by God to be the best mother to my mother."

"And I’m able to say thank you to her. I’ll be very honest, I don’t know how I'm going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko because that’s the only way.”

Source: pep.ph