Nitong November 30 lamang ay ibinahagi namin ang post na may title na “Namamalimos na lola ng isang sikat na Youtuber, kaawa-awa ang kalagayan!” Ang istoryang ito ay tungkol sa ginawang pagtulong ng vlogger na si Jose Hallorina sa isang matandang babaeng may sakit na diabetes na namamalimos sa kalye at nakatira sa isang kuliglig.
Sa part 3 ng istoryang ito ay ibinahagi naman ng sikat na Youtube vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang sariling YouTube account ang kanyang mga saloobin at paglilinaw sa nangyaring ito.
Inilahad nga ni Bartolome na ang tinutukoy na apo ng itinampok na lola ay walang iba kundi siya. Ayon sa kanya, marami raw ang nagmessage sa kanya na mga nakakita ng video ni Hallorina at madami raw ang nakaalam sa istorya. Tinanong daw siya ng mga ito kung kamusta siya lalo na at alam nila ang aktwal na sitwasyon.
Nang nakita raw niya ang thumbnail pa lamang ng naturang video, alam na raw niya agad na siya yung sikat na Youtuber na tinutukoy rito. Gusto man raw niyang intindihin ang intensyon ng vlogger ay hindi rin daw niya talaga ito maintindihan kung bakit niya raw iyon ginawa.
Nahihirapan man siyang ikuwento ang mga tunay na pangyayari dahil sa takot niya na baka may masabi siyang hindi mabuti patungkol kay Hallorina, ipinaliwanag naman ni Bartolome ang kanyang ugnayan sa matanda. Ayon sa kanya, ang lola na namamalimos sa video na iyon ay kapatid ng lola niya, na mama ng mommy niya.
Bago raw pumanaw ang kanyang lola ay inilalapit raw siya nito sa kanyang kapatid at kahit daw noong walang-wala pa sila at siya ay nag-uumpisa pa lamang bilang isang artist, nagbibigay rin naman daw siya kahit pa raw kulang na sa kanya yon dahil independent artist daw siya at ni minsan ay hindi siya nanghingi sa kanyang mga magulang.
Hindi raw siya nagdamot kahit kaninuman at iyon daw ay isang bagay na hindi niya kayang gawin at yun pa nga raw ang problema niya dahil masyado siyang mapagbigay. Hindi raw niya alam kung bakit siya nadamay sa issue na ito dahil ginagawa naman daw niya ang kanyang best.
Noong nagbirthday pa nga raw siya noong July ay tinanong pa nga raw niya ang isa niyang Tita na may koneksyon sa matanda at kinakamusta niya ito at sinabi niya pa na kung may magagawa ba siya para maging mas mabuti ang buhay nito. Inirikomenda pa niya rito na kung sana ay may magawa silang isang bagay na permanente para dito dahil kailangan na nga nitong magpirme sa bahay. Sa huli ay napag-usapan nga nilang mag-tita na hanapan ang lolang ito ng bahay na matitirhan niya at tutulungan nya rin ito na magsimula ng isang negosyo.
Sabi pa ni Bartolome, nag-aalala din naman daw siya sa matanda at siya pa nga raw ay nakapag-alaga rito noong bata pa siya. Naghintay daw siya ng update ukol sa pag-uusap na iyon at naging abala din siya sa ibang mga bagay dahil ayon sa kanya marami din siyang ibang ginagawa sa buhay gaya ng pagpapatakbo ng kaniyang sariling negosyo, pag-aalaga sa kanyang mga kapatid at pagtatrabaho halos araw-araw at sobrang wala na raw siyang tulog kaya rin daw ang payat-payat na rin niya. Nagtatrabaho raw siya para sa kanyang pamilya, tumutulong rin siyang buhayin ang kaniyang mga kapatid, tinutulungan rin niya ang kanyang mga magulang sa ibang mga bayaring bills. Binibigay niya raw lahat lalong-lalo na sa kaniyang pamilya.
Kung ang yaya nga raw niya ay kayang-kaya niyang ibigay ang kahilingang ma-meet ang idol nitong Westlife na hindi naman raw niya kadugo, paano pa raw yung mga kadugo niya mismo. Doon daw siya sobrang nasaktan at kaya rin daw siya nagdesisyon na magsalita hindi lang daw dahil malalaman at malalaman rin ito ng mga tao, kundi dahil nilalagay daw ni Hallorina sa alanganin ang ibang mga Youtubers na nadadamay at pinagkakamalang sila yung apo nung lola. Naaawa na raw siya sa mga ito dahil sila raw ang nadidiin, kaya talagang hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gawin ito ni Hallorina.
Upang mas maikwento pa nang maayos ang sitwasyon, hinayaan niyang magkuwento ang kanya mismong mommy.
Ayon sa mommy ni Bartolome, hindi na raw bago ito sa kanila. Hindi niya raw talaga alam kung papaano napunta sa ganoong sitwasyon ang kanyang tiyahin. Ang pagkakaalam niya ang kanyang Tita Josie raw ay mayaman at dati siyang ginagawang tagatulak ng wheelchair nito noong bata pa sila. Isa pa raw ito sa mga nanalo sa Japan sa karera ng wheelchair. Ani pa ni Mommy, kung bakit daw napunta sa ganoong sitwasyon ang matanda ay pinili niya naman daw ito. Maginhawa naman daw ang buhay nito dati, may asawa ito at anak, ngunit may ginawa raw itong kapalpakan, nagkahiwalay sila ng kanyang asawa at imbes na siya ang humawak sa mga binibigay ng asawa niya ay ipinasa ito sa kanyang anak.
Dagdag pa nito, hindi na daw sila nasorpresa sa ginawang ito ng kanyang Tita Josie, kaya lang daw ay nakakaladkad raw ang apelyidong Bartolome at nadamay pa umano si Donnalyn dahil kahit naman daw hindi inilagay ang kanyang pangalan ay expected na daw ito dapat ng anak dahil wala naman daw ibang Bartolome na Youtuber.
Mensahe pa ng Mommy ni Donnalyn para kay Hallorina, bago sana siya nag interview ay inimbistigahan raw sana muna nito yung mga taong tinutulungan niya. Inalam niya raw sana muna ang totoong pagkatao nito bago siya tumulong.
Ayon pa kay Bartolome, dapat raw ay nagtaka si Jose kung bakit ayaw raw ipacontact ng nasabing lola ang mga kamag-anak lalo na si Donnalyn. Sabi naman ng kanyang Mommy, ito ay dahil sa alam raw kase ng lola na ang mga sinasabi niya sa video ay hindi totoo. Sana raw ay hindi lamang kamag-anak ang binanggit doon sa video kundi yung kanya mismong anak.
Ikinuwento rin ni Mommy na makailang beses na raw niyang tinulungan ang kanyang Tita Josie na tinatawag niya ring Nan (parang Ninang). Binigyan niya raw ito ng puhunan para sa negosyo, ngunit makalipas ang ilang buwan ay bumalik din daw ito at nagreklamo dahil paano daw siya makakapagnegosyo kung wala naman siyang tirahan. Kaya binigyan niya ulit ito ng pera na magagamit para kumuha ng apartment.
Nang lumaon ay napag-alaman nilang humihingi rin ito sa iba pang kamag-anak. Dati ay sa kanila rin daw ito nakatira ngunit dahil nagpapaupa sila ay sinabihan niya raw ito na huwag nang magdala ng kalakal na kanyang kinokolekta dahil ito raw isang hoarder. Sumama raw ang loob nito dahil sa kanyang mga nasabi at pinili daw nitong umalis.
Sabi pa ng Mommy ni Donnalyn, sabihan daw nila ang vlogger na si Hallorina na tutal gusto naman raw nitong tumulong ay lahat daw ng kita nito mula sa mga ads ng video ay ibigay niya nalang daw sa kanyang Tita Josie.
Ang kanyang Tita Josie ay napunta na rin daw sa ibang kamag-anak, pero ganun din daw ang naging problema at naglalayas din daw ito. Hindi rin daw totoo na wala itong pera dahil minsan raw ay nalaman niya mula sa kanyang mga tauhan na meron naman daw itong pera at dito pa nga sila minsan nangungutang.
Ayon din sa kanya, nagtutulung-tulongan naman daw silang magkakamag-anak para makapag-abot ng tulong sa kanya. Kahit pa daw si Donnalyn ay inilihim pa ang pagbibigay dito sa kabila ng mga payo niya ukol sa pag-ayos muna sa kanyang sariling buhay dahil hindi naman daw ito obligasyon ng kanyang anak dahil tinutulungan niya rin naman yung matanda.
Dapat raw ay nag-imbestiga muna si Hallorina. Hindi raw kumportable si Bartolome lalo na dun sa katagang paulit-ulit na nilagay sa video na "sana mapanood ito ng apo niya".
Nilinaw naman ng mommy ni Donnalyn na unang-una ay hindi raw apo si Donnalyn ng kanyang Tita Josie. Ang lola niya na kapatid nito ay pumanaw na. Kung tutuusin daw ay wala naman talaga silang obligasyon dito ngunit dahil kailangan nila itong tulungan, pinagbibigyan nila ito pero huwag naman daw sana pang kaladkarin ang pangalan ng anak sa issueng ito dahil palaban at pumapatol talaga siya sa tao.
Nagbabala rin siya na sabihin sa vlogger na si Jose Hallorina na kapag daw hindi nito tinanggal ang videong iyon ay uuwi raw siya sa Pilipinas at kakasuhan niya ito. Ayon pa kay Donnalyn, sinabihan niya na raw ito sa pamamagitan ng Direct Messages at binalaan niya na din ito sa comments section. Pero patuloy daw nito dinedelete at itinatago ang mga negatibong komento at mga impormasyon.
Hindi man daw direktang pinangalanan si Donnalyn doon sa video ay nag-iisa lang naman daw siyang Bartolome sa YouTube at yung kanyang ininterview ay Bartolome din naman talaga.
Pinili naman daw talaga nilang manahimik kahit pa lumabas na rin daw ang matanda sa iba't-ibang programa gaya ng May Puhunan. Yung kuliglig daw ay bigay naman ng Kay Susan Tayo.
Payo naman ni Mommy sa lahat ng gustong tumulong, tumulong nalang daw nang hindi na kailangang mangaladkad pa ng ibang pangalan. Bakit pa ba daw niya naisip ang ganoong title sa kanyang video.
Nilinaw din nila na yung good samaritan daw na sinasabi sa video ay si Kuya Chito na tinulungan rin daw nila dati at kinuha sa construction kahit na ito ay tatamad-tamad lang sa trabaho, pinapasahod pa rin daw niya ito weekly. Hindi rin daw totoo na isa lamang itong good samaritan dahil pinapakain pa nga raw ito ng kanyang Tita Josie.
Kahit pa daw lumabas na ito sa iba't-ibang programa ay hindi nalang daw nila ito pinatulan. Kung tutuusin pa raw, ang dami daw nilang mga kamag-anak na tumutulong sa kanya. Kaya hindi raw dapat sabihin na walang tumutulong dito. Ilang taon na daw nitong ginagawa na lumabas sa TV pero nababahala si Donnalyn ngayon na nasa YouTube naman na daw ito, kung saan pwede siyang makasira ng tao.
Nagbabala ulit ang Mommy ni Donnalyn na tanggalin ni Hallorin ang kanyang Youtube video o kahit man lang ay palitan ang title nito, ngunit sabi ni Donnalyn hayaan nalang daw si Hallorin na gamitin yung title na yun pero yung income na makakuha niya sa ads ng videong iyon ay dapat na ipantulong niya nalang daw doon sa matanda. Ayaw na rin ni Donnalyn na tawagan ang vlogger dahil hindi niya raw maramdaman na sincere ito sa kanyang pagtulong.
At dahil daw sobrang nag-alala ang Mommy ni Donnalyn ay lilipad daw ito pabalik ng Pilipinas at kakausapin daw nito si Hallorin. Para naman kay Donnalyn, kalmado naman daw siya pero medyo nag-aalala rin siya kase kasisimula niya palang ulit at siguro hindi lang siya ang todo kayod para sa pamilya. Sadyang may mga tao lang talaga na kayang manira ng lahat ng ganun-ganun lang kase hindi naman sila ang nagpagod kaya hindi nila iisipin kung ano yung pwedeng mangyari. At umaasa nalang daw siya na hindi talaga siya nag-iisa, dahil sadyang may mga kamag-anak na nilalagay ka sa alanganin at masisira ka sa mga bagay na sinasabi nila dahil hindi nila napag-isipan nang mabuti ang kanilang ginawa.
Nagdesisyon na rin siyang magsalita tungkol dito para maintindihan naman ng mga tao ang side niya at malaman nila kung ano talaga ang totoo. Siguro daw hindi lang nila alam kung paano daw ang sitwasyon niya noong nagsisimula palang siya at hindi naman siya habambuhay na parang mayaman siya at hindi rin daw talaga siya humihingi ng pera sa kanyang mga magulang.
Masama lang daw talaga ang loob niya dahil naaawa siya sa kanyang mommy na siyang nagpuprovide ng lahat para sa iba, kaya 14 years old palang daw siya ay nagtatrabaho na siya. Noong lumipat nga siya sa Pilipinas ay sobrang walang-wala na daw talaga siyang pera at hindi rin siya humingi ng tulong sa mga magulang niya dahil hindi sila open sa idea na umalis siya para ipursue ang kanyang karera. Pumupunta pa nga raw siya sa simbahan upang magdasal kase wala na rin daw siyang makain kinabukasan.
Hindi lahat daw ng tao na mukhang okay o mukhang mayaman ay talagang okay. Ayon pa kay Bartolome, hindi raw ibig sabihin nun ay hindi sila dumaan sa hirap. Pinagdaanan niya raw lahat yun at masaya daw siya sa kanyang naging experience kase nagkaroon siya ng respeto sa mga tao dahil doon. Hindi raw siya naging parang entitled na tao at pinaghirapan daw niya kung nasaan siya ngayon.
At ngayon nga daw na naandun na siya sa sitwasyon kung saan nagagawa na niya ang tulungan at suportaan ang kanyang pamilya, bigla naman daw itong inilagay sa alanganin ng dahil sa nagupload ng video, sa pagiging iresponsable nito.
Heto ang buong mensahe ni Bartolome para kay Hallorin,
"You're insincere. Wala akong naramdaman na sinseredad sayo. Because if you are a genuinely nice person you wouldn't put anyone at risk. You could have just helped in, bilang YouTuber, kapwa Youtuber, did you even think of messaging me or was it just O, daming views nito! Feeling ko ganun lang yung inisip mo eh. Uy, okay na clickbait to! And it's the truth so even better. Not everything is what it seems. And youre not a genuinely nice person. I don't think you belong in this community. You put YouTubers in a bad light just with one video, or two now. Hindi ka pa nakontento sa isa, so yun, parang whole community, parang meron na ngang mga tawo na tingin sa Youtubers na parang mga annoying, yung mga insults to Youtubers. What's crazy is, you've added to it, eh isa ka rin namang Youtuber. So parang why didn't you protect the community by just reaching out. You didn't."
Sa huli, sinabi ni Bartolome na hindi raw talaga open si Hallorin na isettle nalang ito internally dahil nagbibenefit siya sa ads at sa mga subscribers. Ayon pa kay Donnalyn, okay naman daw talaga ang tumulong sa kapwa.
Siya rin naman daw ay tumutulong rin daw sa iba at may mga charities din siyang sinusuportaan. Hindi raw ibig sabihin na dahil hindi niya ito ipinopost ay hindi na siya tumutulong. Maging ang mga get-together nila ng kanyang mga fans ay idinadaan niya daw sa charities dahil ganun daw talaga siya. Hindi raw niya kailangang idisplay ang kanyang pagtulong at tinuturuan daw niya ang kanyang mga fans na gawin yun nang buong-puso.
Hindi raw talaga siya naniniwala sa sinsideredad ni Hallorin at nakakalungkot daw talaga ang ginawa nito sa kanya.
Nanawagan rin siya na dahil kailangan daw ng mga tao ng isang Youtuber na sincere sa kanyang pagtulong, nirerepresenta raw ni Donnalyn ang kanyang sarili. At kahit pa daw busy siya sa iba't-ibang commitments, paglalaanan daw ni Donnalyn ng kanyang panahon ang pagbibigay, dahil kailangan daw ng mundo ng tamang inspirasyon. Gagawa raw siya ng concept na tatawaging Dear Donna kung saan mag-aassign siya ng mga taong babasa ng mga emails at tutulong sila sincerely na hindi sila makakatapak ng ibang tao.
Nagpaalala rin si Donnalyn sa lahat ng mga vloggers na sana ay mag-vlog sila responsibly, maging malaking Youtuber man sila o nagsisimula pa lang. Dahil sa kumunidad daw na ito, hindi raw kailangang hilahin mo ang isang tao pababa para lang umangat ka.
Sa mga viewers naman nagpaalala rin siya na hindi raw lahat ng bagay na nakikita ay totoo. Pag-isipan daw muna bago paniwalaan lahat at maging responsableng manonood din.
Watch video here: