Hindi talaga nauubos ang mga paraan ng mga Pilipino, makapagbigay lamang ng kasiyahan sa kapwa. Kahit ano, kahit saan, gagawin lahat makapagpakalat lamang ng saya sa mga tao.
Kaya naman, patok ngayon sa mga netizen ang isang viral na Facebook Post kung saan naglalaro ang mga kalalakihan ng basketball. Ngunit, hindi ito ordinaryong basketball lamang dahil, imbes na jersey ang suot ng mga manlalaro, palda at bra ang suot ng mga ito.
Ito ang laman ng Facebook post ng isang Racheele. Kasalukuyan na ito ngayong humahakot ng halos dalawang libong reaksyon galing sa mga netizens at shares na aabot naman sa halos 12 000. Sari-sari ang naging komento ng mga netizen ukol sa Facebook post na ito ngunit karamihan ay komento ng pagka-aliw sa kakaibang palaro.
Dagdag pa ni Racheele sa kanyang Facebook post, ito umano ang paraan nila ng pagpapakalat ng saya sa mga asyumera at umano’y ‘mapapait’ na mga tao.
“This is our way of spreading happiness sa mga bitter at assuming, padaplin (tumabi kayo),” ani nito.
Maliban sa kanilang kasuotan, nakaka-aliw rin ang pangalan ng dalawang koponan na naglalaban sa naturang basketball. Ayon sa Facebook post, ito ay ang mga koponan ng Team Boring laban sa koponan ng Team Pokpok.
Tradisyon umano nila ito nina Racheele tuwing bagong taon. Isa lamang ito sa maraming palaro na kanilang ginagawa taon-taon sa Brgy New Sibonga, Nabunturan, Davao De Oro.
Imahe galing kay Racheele RelivPh
“Mga ma’am/sir our intention is to make everyone happy,
“We want to enjoy the whole year and more next years na nagkakaisa. We are promoting a friendly community and we would like to share the photos/videos sa mga mahal namin sa buhay na OFW para hindi po sila mangulila kahit malayo sila sa amin,” ani pa ni Racheele.
Hindi rin makapaniwala itong si Racheele na kumalat at naging viral ang kanyang Facebook post. Gayunpaman, masayang masaya umano sila dahil nakapagbigay sila ng kasiyahan sa mga ito.
Imahe galing kay Racheele RelivPh
Ani pa nito, hinay-hinay lang raw umano sa pagbibigay ng komento dahil hindi nila alam ang pinagdaanan nila ng nakaraang taon. Ang katuwaang ito umano ang kanilang paraan upang malimutan ang mapait nilang naranasan noong taong 2019.
Nagpapasalamat rin itong si Racheele sa mga lalaking ito na hindi umano nag-atubiling sumali sa kabila ng pakulo ng laro. Pati na rin sa mga kabataan at lahat ng residente ng naturang lugar dahil umano sa pagkakaisa ng mga ito para sa pagdiriwang.
Imahe galing kay Racheele RelivPh
Tunay na kahanga-hanga talaga ang naging pagkakaisa ng bayan na ito, makapagbigay lamang ng positibong vibes at kasiyahan para sa lahat. Hindi lamang para sa mga nanood na naroroon mismo, kundi pati na rin sa mga nakakita nito sa social media.
Source: Facebook