Sa Norala, South Cotabato, isang masakit at malungkot na balita ang sumalubong nitong Lunes, ika-27 ng Enero.

Babala: Sensitibo at maselan ang paksa ng balitang ito kaya naman nararapat ang gabay at patnubay ng mga magulang para sa mga menor de edad at bata na makakabasa nito. Naglalaman ito ng sensitibong paksa ukol sa mental health.

Dahil umano sa pagkakaroon ng mababang grado, nagpatiwakal ang isang mag-aaral ng Grade 9 na agad binawian ng buhay.

Hindi umano nakayanan ng estudyanteng ito ang lungkot sa pagkakaroon ng mababang marka sa klase kaya nito napagdesisyunang tapusin nalang ang sariling buhay.


Ayon sa ulat, bandang alas 5 ng Lunes nang natagpuan na lamang ang biktimang si ‘Marco’, hindi nito totoong pangalan, na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago gawin ang pagpapakamatay ay kinausap pa nito ang kanyang mga magulang. Malungkot umano itong dumating sa kanilang bahay nang araw na iyon.

Ginamit ng biktima sa pagpapakamatay ang isang ‘umbilical cord’. Natagpuan na lamang itong nakalambitin gamit ito.

Bago umano gawin ang pagpapatiwakal, sinabihan pa umano ni ‘Marco’ ang kanyang mga magulang na ayaw na nitong pumasok sa paaaralan. Palagi raw kasing bagsak ang mga marka nito sa klase.

Maliban rito, nakakatanggap rin daw kasi ng mga pang-aasar si ‘Marco’ mula sa mga kamag-aral dahil sa pagkakaroon ng mga mababang marka. Minsan na umano nitong naikwento ang madalas na pangyayari sa kanyang nakatatandang kapatid.


Hindi man kinlaro, marahil ay mayroong bullying na naganap sa biktima kaya nito naisipang tapusin ang sariling buhay. Marahil ay hindi na niya ito kinaya kaya ito nagresulta sa pangyayari.

Sa ibang dako, wala pa umanong inilalabas na pahayag ang paaralang pinapasukan ni ‘Marco’ ukol sa umano’y nangyaring bullying sa biktima.

Kadalasan, ang mga bagay na akala natin ay walang gaanong epekto sa isang tao ay siya pa lang dahilan ng labis na kalungkutan at pagkalugmok ng iba.

Ang simpleng mga bagay na akala natin ay walang epekto sa iba ay siya palang nagiging dahilan ng pagkakaroon nila ng depresyon.

Kapag nakakaranas nito, huwag mag-atubiling lumapit sa mga taong malalapit sa iyo at humingi ng tulong. Pag-usapan at maging bukas sana ang isipan ng karamihan ukol sa paksang ito ng depresyon at mental health.


Nakakalungkot isipin na mayroong mga taong hindi nakakayanan ang kanilang dinaranas na depresyon dahil sa walang taong malapitan. Kaya naman, magkusa na mismo na lumapit at kumausap sa mga taong nakakaranas nito upang hindi na humantong pa ito sa mas malalang mga sitwasyon.

Maliban rito ay mayroon ring nga ahensya na maaring makatulong sa iyo tungkol sa iyong kondisyon. Kaya naman, wag mag-atubiling tumawag sa mga ito.

Isa sa mga maaring tawagan ay “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation. Katuwang ng ahensyang ito ang Department of Health tungkol sa pagtulong sa nga taong nakakaranas ng depresyon. Ito ang kabilang mga numerong maaaring tawagan.

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Huwag mag-alinlangan na humingi ng tulong. Marami ang makikinig sa iyo kaya huwag magpatalo sa depresyon.

Source: RMN