Sa bawat araw na dumaraan, minsan ba ay pumasok sa isipan mo na buklatin at basahin ang bibliya? Marahil ay marami ang natatamaan kapag pinag-uusapan na ang pagbabasa nito dahil aminado naman ang iba na minsan-minsan na lamang nila ito ginagawa.
Marahil ay dahil na rin sa pagiging abala sa mga trabaho, sa mga gawain, o di kaya ay sa pag-aaral kay nakakaligtaan na ang pagbabasa nito. Ngunit, ibahin natin ang isang lolang ito na na hindi ininda ang kahit na anong rason o balakid, makapag-basa lamang ng bibliya.

Hinangaan at naging inspirasyon sa social media ang isang lola na nakunang nagbabasa ng kanyang bibliya sa labas ng kanyang bahay.


Sa larawan, halata ang laki ng edad ni lola na nakahawak ng bibliya. Ngunit, sa kabila ng edad ay nababasa pa rin umano nito ang bibliya.

Simple man ang pamumuhay, na makikita sa simpleng bahay ni lola, hindi pa rin nito nakakalimutan na basahin ang banal na Bibliya. Isa itong indikasyon ng tatag ng pananampalataya ni lola sa Maykapal.

Dagdag pa ng taong nagbahagi ng litrato, nagbabasa pa rin umano nito si lola kahit wala umanong kuryente ang bahay niya.

“Nadaanan lang namin si Nanay na nagbabasa ng Bible sa labas ng kanilang munting tahanan. Wala daw po silang kuryente,” ani nito.

Bagama’t walang anumang pagkakakilanlan na nakalagay sa naturang Facebook post, pinusuan at hinangaan pa rin ito ng mga netizen. Kahit ang lugar kung nasaan si lola ay hindi rin nailagay. Gayunpaman, hinikayat pa rin ng nagbahagi ng larawan na ipakalat umano ang larawang ito ni lola upang makapagbigay pa ng inspirasyon sa karamihan.

Dahil rito, umani ng samu’t-saring papuri si lola galing sa mga netizen. Nakakahanga umano ang ipinapakitang pananampalataya ni lola na naipapakita sa pagbabasa nito ng bibliya.

Ani pa ng iba, lubos umanong pagpapalain itong si lola dahil rito. Nawa umano ay bigyan pa ito ng mahabang buhay at marami pang mga pagpapala sa buhay.

Nakakahanga rin umano ang pagkakaroon nito ng malinaw na mata sa kabila ng edad. Tunay nga talagang naging inspirasyon si lola sa lahat dahil sa kahangahanga nitong gawain.

Sana maging ang mga kabataan ay makapulot rin ng aral mula sa larawang ito ni lola. Ani nga ng nagbahagi ng larawan, sana raw ay ipakalat pa umano ang larawan ni lola kaysa doon sa mga wala naman umanong kabulohang larawan.

Ilan pa sa mga naging komento ng mga netizen ay ito:

“Wow! linaw pa ng mata niya. Samantalang ako, di na ako makabasa niya at may reading glass pa ako.”

“Nakaka-blessed naman. God bless po, Nanay!”

“Bigyan pa kayo ng long long life, good health, at sana po umanot din ako sa ganyang age nanay.”

“Sila ang totoong mayaman at ipagpapala ng Maykapal lalo na sa kaharian niya.”

Umani na ngayon ng mahigit sa 5 700 reaksyon ang naturang Facebook post. Dumarami rin ng dumarami ang mga komento ng mga netizen na pawang mga papuri at paghanga para kay lola. Maging ang shares na nakukuha ng larawan ay patuloy pa ring dumadami kung saan sa ngayon ay 10 472 na ang bilang.

Source: Facebook