Ito ang malungkot na balita na sumalubong sa mga tagahanga ng loveteam at totoong magkasintahan sa totoong buhay na sina James Reid at Nadine Lustre nitong unang araw ng bagong taon. Break na nga raw ba ang dalawa?
Umugong ang balitang naghiwalay na ang sikat na magkapareha dahil umano sa ‘irreconcilable differences’.
Ayon sa isa umanong malapit na kaibigan ng dalawa, umalis na umano ang aktres sa bahay ni James Reid sa Quezon City, kung saan ilang taon nang nagsasama ang dalawa.
Saksi ang mga malalapit na kaibigan nina James Reid at Nadine Lustre sa naging pagmamahalan ng dalawa sa loob ng ilang taon. Kaya naman, alam umano ang mga ito ang naganap na hiwalayan at saksi rin umano ang mga ito sa mga kaganapan sa buhay ng dalawa.
Ito ang malaking balita na gumulantang sa mundo ng showbiz sa mismong unang araw ng taong 2020. Maging ang mga tagasunod at tagahanga ng dalawa ay kabi-kabila ang tanong kung gaano ka totoo ang balitang ito.
Image galing sa cosmo
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagsasama na ang dalawa sa iisang bahay. Umugong ang balitang ito ngunit walang kompirmasyon na nadinig sa dalawa hanggang sa aksidente itong inamin ni James Reid sa programa ng komedyanteng si Vice Ganda.
Unang inamin ng dalawa na sila’y totohanan ng nagmamahalan at magkasinatahan na sa totoong buhay noong taong 2016, habang ginaganap ang kanilang concert sa Smart Araneta Colliseum.
Gayunpaman, sa kabila ng mga ugong-ugong tungkol sa umano’y pag-aalsa balutan ni Nadine at tuluyang paghihiwalay ng dalawa, wala pang opisyal na pahayag ang nailalabas tungkol rito na galing mismo kina James Reid at Nadine Lustre.
Ayon naman sa mga naging Instagram Posts ng dalawa, mayroong mga napansin ang mga taga-hanga nina Nadine at James. Kapansin-pansin umano ang tila kakaiba at misteryosong mga Instagram post ni Nadine.
Noong nakaraang linggo, nag-post ang aktres ng isang larawan niya na nasa bintana ng isang hotel habang naka-bikini.
“I can’t be who I want,” ang naging caption ni Nadine sa larawan.
Ilang araw matapos nito, muling nag-post ang aktres ng isa na namang larawan na mayroong apat na tao habang nasa dagat.
Ito naman ang naging caption ng aktres sa larawang ito:
“no questions. just go with it.”
Habang sa pinakabago naman niyang Instagram Post, ibinahagi ni Nadine ang isa niyang black-and-white na larawan habang siya ay nakaupo sa tila malaking bintana ng isang hotel o condo, at nakatingin sa ibaba nito, sa mga ilaw ng mga gusali.
Ito naman ang tila may nakatagong mensahe na caption ni Nadine.
“for good reason, lost all my love.”
Kapansin-pansin rin na walang anumang larawan na ibinahagi ang dalawa na sila ay magkasama sa pagdiriwang ng bagong taon.
Walang naging anumang social media post sina Nadine at James na sila ay magkasamang ipinagdiwang ang pasko o sinalubong ang bagong taon.
Ang pinakahuling Instagram post ni James ng larawan nilang dalawa ni Nadine ay noong pang Halloween. Nilagyan niya ito ng caption na, “Always wanted to this one #halloween2019”
Source: PEP