Sang-ayon ang karamihan na ang motor ang isa sa mga sasakyang pinaka matakaw sa disgrasya sa kalsada. Araw-araw ay ilang motorista ang nauulat na nasasangkot sa mga disgrasya sa daan.
Mas lalo pa itong dumami ng nagkaroon na ng camera ang bawat sasakyan kung saan nahuhuli ng mga ito ang mga insidenteng nangyayari.
Isa nga rito ang isang aksidente sa pagitan ng isang motor at kotse na nakunan ng isang dashcam. Huli sa naturang kamera ang lakas ng pagkakasalpok ng isang lalaking naka-motor sa isang kotse.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ang drayber ng nasabing motor. Ngunit, ang naging reaksyon nito sa pagkakatilapon ay siyang pinagkatuwaan ng mga netizens.
Kasi naman, imbes na mamimilipit sa sakit dahil sa pagkakabangga at pagkakatilapon, tumambling pa ang lalaki at nag-ala ninja sa tabi.
Isang reaksyong kina-aliwan ng mga netizen. Tumba ang kanyang motor ngunit mukhang mas nabuhayan pa ng dugo ang drayber nito pagkatapos ng aksidente.
Ilang segundo lang matapos ang pagkakasalpok ay tumigil ang isa pang motor upang tulungan ang lalaki. Iyon nga lang, hindi man lang bumaba ang drayber ng nabanggang sasakyan at bagkus ay umalis na lang ito basta-basta.
Ayon sa mga komento, maaaring isang hit and run nga ang naturang nangyari ngunit malinaw naman umano na kasalanan ng naka-motor ang aksidente.
Kitang-kita ang mabilis na pagsulpot ng motor at mabilis na pagpapatakbo kahit naka-green light na ang kasalubong na mga sasakyan.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit isang libo ang reaksyon ng video na ibinahagi ng Facebook page na Philippine CCTV and DASH CAM Spotted. Malapit na ring umabot sa isang libo ang mga shares nito.
Ayon sa mga komento, biro nila ay baka raw naalog ang utak o ulo ng drayber ng motor kaya umano siguro ito nawala sa sarili.
Ani naman ng iba, buti na lang umano ay mayroong helmet na suot ang drayber ng motor kaya hindi nasaktan o napuruhan ang kanyang ulo. Maaari raw sanang mabasag ang ulo nito sa lakas ng pagkakabangga kung hindi dahil sa suot nitong helmet.
Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen sa naturang video:
“Dapat lang takbuhan iyan. Beating the red light siya, eh… istorbo sa daan. Buti nalang buhay pa.”
“Iaan ang pinag sanib pwersa ng ulo at ng helmet. Kung wala iyong helmet, basag sana ang ulo.”
“Walang kasalanan ‘yung kotse. Blind spot sya, may sasakyan sa kanan nya. Tapos naka-green light na sila. Ang hinayupak na kamote rider ang shunga! Naka-drugs iyan! Ang bilis ng takbo... nag-hallucination.”
“Wait for few hours the guy on bike will be on pain. That's how adrenaline works gives you a boost to run away to safety pag nag subside na yan he will be in pain.”
“Pero bukas niyan hindi na yan makalakad!”
Gayunpaman, kahit anong sasakyan, mapa-motor, kotse, o trak pa iyan, ay mayroon talagang posibilidad na mapasama sa isang disgrasya.
Nararapat lamang na isaisip palagi ang pag-iingat sa daan, sa pagmamaneho, at palaging pagsunod sa batas trapiko dahil hindi lamang ikaw ang pwedeng masangkot sa isang aksidente, maaari ka pang makadamay ng iba pang mga motorista.
PANOORIN ANG BUONG DETALYE: