Kasabay ng pagluluksa ng buong mundo sa biglaan at masaklap na pagpanaw ng hinahangaang NBA Legend na si Kobe Bryant, hindi napigilan ng isa ring tinitingalang manlalaro sa NBA na si Lebron James na mapaluha dahil sa biglaang paglisan ng idolo.
Matalik na magkaibigan ang dalawa at masugid na iniidolo ng 35 taong gulang na manlalaro si Kobe Bryant kaya naman hindi nakapagtataka ang pagluluksa nito.
Matapos umabot sa kanya ang balita ng pagpanaw ni Kobe Bryant at ng anak nitong si Gianna Bryant, nakunan si Lebron na umiiyak matapos bumaba sa eroplano na sinakyan ng koponan ng LA Lakers. Isang pagpapatunay kung gaano ito naapektuhan at siya ang isa sa pinaka-nasaktan sa nangyaring trahedya kay Kobe Bryant.
Nagulantang ang buong mundo nang ibalita ang pagpanaw ni Kobe Bryant at ng kanyang 13 taong gulang na anak dahil sa isang helicopter crash. Papunta sana ang dalawa at ang pito pang iba nitong kasama sa Mamba Academy sa Thousand Oaks. Nauwi sa pagluluksa ang dapat sana’y masayang pagsalubong ng mga bata sa Mamba Academy kay Kobe Bryant.
Nangyari umano ang insidente bandang 9:47 ng Linggo ng umaga. Walang nakaligtas sa naturang trahedya maging ang piloto ng helicopter.
Kilalang malapit na magkaibigan si Lebron James at Kobe Bryant. Hindi sekreto sa karamihan na lubhang iniidolo ni Lebron James si Kobe Bryant at makailang beses na niya itong nabanggit at ipinagmalaki.
Bago nangyari ang trahedya ay nagpaabot pa ng pagbati si Kobe Bryant para kay Lebron James matapos siya nitong malampasan sa NBA All-time Scoring list. Ipinaabot nito ang pagbati sa isang tweet para kay Lebron. Walang ka alam-alam ang lahat na ito na pala ang huling tweet ng NBA legend.
“Continuing to move the game forward @KingJames. Much respect my brother #33644”
Sa isang panayam, ibinahagi ni Lebron James kung paanong naging malaking bahagi ng kanyang buhay, pagkatao, at kung anuman ang kanyang narating ngayon si Kobe Bryant.
Ito ang ilang bahagi ng pahayag ni Lebron James sa panayam.
“When I was a high school kid I was growing up through the ranks when Kobe came into the leagues,
“It wasn’t a dream of mine to go straight to the NBA from high school at the time but for a 17 or 18 year old to make that leap, that’s pretty damn cool.
“As I started playing more ball and went into high school the things he was doing on the floor I admired and wanted to be a part of.
“I went to camp and he came to speak to the kids and I was just listening. I was tried to soak everything up that I could.
“I can remember one thing that he said. He said that if you want to be one of the greats you have to put the work in. There is no substitution to work.
“I was a 15 year old kid at that camp.
“In 2001, I was playing in New Jersey and the All-Star team was playing in Philadelphia. That Saturday me and Maverick drove to the Intercontinental in down town Philly and he gave me a pair of his shoes which I ended up wearing the following night. I was a 15 and he was a 14 but I wore them anyway.
“I just sat and talked to him for a little bit.
“When I got drafted I still admired him, seeing what he was able to accomplish and winning Championships.
“As competitors, just watching the work ethic he put into his game. He has zero flaws offensively. I admired that he was in a place where defenses were at bay and couldn’t guard him at all. He was immortal offensively.
“It was a dream come true to line up alongside him after admiring him for so many years.
“To make a long story short, I’m now in a Lakers uniform, in Philly where he is from, and where I first met him. It is unreal. It makes no sense.
“The universe puts things in your life and when you are living the right way things happen organically. I am happy just being in any conversation about Kobe Bean Bryant.
“He is one of the all-time greatest ever basketball players to play one of the greatest Lakers – the man had two jerseys hanging up at Staples Centre.”
Panoorin ang video dito:
LeBron James in tears exiting team plane. Someone he looked up to in Kobe! #RIP pic.twitter.com/YcX03uhSOZ— Cleveland Sports Talk (@CLEsportsTalk) January 26, 2020
Source: METRO