Tunay na kahanga-hanga ang mga taong mas pinipiling magtrabaho sa kabila ng iniindang kapansanan, kaysa maging pabigat na lamang sa lipunan. Katumbas lang rin ito ng mga matandang nagbabanat pa rin ng buto sa kabila ng edad, makapaghanap-buhay lamang.

Isang halimbawa nito ang isang tatay na kamakailan lang ay hinangaan ng karamihan. Nakunan ng isang Rahma Ameer Iskak ang matandang ito na nagtatrabaho sa bangketa, sa kabila ng kapansanan.
“...buti pa si tatay, kahit hirap na hirap na siya sa kalagayan niya, kahit may sakit siya, nagagawa pa rin niyang mag hanap-buhay ng marangal,” saad ni Iskak tungkol sa matanda.

Sa larawan, kahit kitang hirap itong si tatay ay kinakaya pa rin nitong magtrabaho. Taliwas ito sa dapat ay ginagawa na ng mga taong nasa kanyang edad, na dapat ay nagpapahinga na lamang at inaalagaan.

Walang anumang inilagay na pagkakakilanlan si Iskak tungkol kay tatay. Ngunit, sa kanyang naging pahayag, para bang sinasabi ni Iskak na tinitiis ni lolo ang lahat bilang isang magulang, mabigyan lamang ng marangal na buhay ang mga anak.

Aniya rito,

“Bakit ang anak, kayang tiisin ang magulang? Pero ang magulang, di kayang tiisin ang anak kahit hirap na ito… mabuhay lang niya kayo ng marangal.


Saad pa ng iba, sana raw ay nagbigay si Iskak ng impormasyon kung saan o ano ang pangalan  ni tatay upang maabotan ng tulong. Mayroong pang ilan nanghihingi ng impormasyon kung saan raw nakapwesto itong si tatay, marahil ay upang puntahan ito at tulungan.

Dagdag naman ni Iskak sa kanyang pahayag ukol kay Tatay,
“Mabibigo ka sa mga tao, ngunit hindi kay Allah. Kaya ang pagsisikap mo ay ibuhos mo sa kanya na tunay na nagbibgay ng biyaya.”

Kaya naman, hinangaan at umani ng papuri galing sa mga netizens ang pagiging masipag at matiyagang ito ni tatay. Ayon sa mga ito, saludo sila kay Tatay dahil kinakaya pa rin nito ang pagtatrabaho sa kabila ng kapansanan at ng edad nito.


Ngunit, karamihan sa mga ito ay kinondena kung bakit hinahayaan pa rin umano si tatay na magtrabaho ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga anak. Marami rin sa mga ito ang naawa sa kalagayan ni tatay dahil sa kinakailangan pa rin nitong maghanapbuhay.

Gayunpaman, nangibabaw pa rin sa mga ito ang paghanga at maging ang pagdarasal na nawa umano ay bigyan pa ng malakas na pangangatawan si tatay o di kaya ay mayroon man lang dumating na tulong para umano kay tatay.
Maliban dito, ito pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

“‘Yung iba na ang lakas lakas pa ng katawan, inuubos lang [ang] pera sa mga walang dahilang bagay. Tatay nawa'y gabayan po kayo ni Ama palagi.”

“Sana lahat ng mga magulang talagang may malasakit sa kanilang mga anak. Tatay hanga po ako sa inyo.”

“‘Yun lang ang masakit diyan… grabeng sakripisyo ng magulang sa mga anak [na] halos buhay itaya pa. Salute ako diyan.”


“‘Yung mga ganitong tao dapat ang tinutulungan at hinahangaan [dahil] sa kabila ng kanyang sakit nagtatrabaho pa din sya. Di gaya ng iba [na] normal [at] malakas ang pangangatawan, mga batugan, at nakukuha pang manlamang at magnakaw sa kapwa. Saludo ko sayo tatay! Diyos ang bahalang gumabay at gumantimpala sa inyo.”

“‘Di nayan dapat pinapahanap-buhay. Oras na ni tatay magpa-alaga sa kanyang mga anak.”

“Nakakalungkot tingnan na may mga tao na ganito ang kalagayan. But still striving hard in order to survive. Life  sometimes is unfair, but this is the reality.”

Source: Facebook