Kilalang pampatanggal ng uhaw ang inuming samalamig na nabibili lamang sa halos lahat ng sulok ng mga kalyeng iyong nadadaanan. Ang pagbili at pag-inom nito ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng karamihan lalo na’t mainit ang panahon at galing sa isang mahabang araw.
Ngunit, iinom ka pa kaya nito kapag napanood mo na ang trending na video ngayon sa social media, kung saan ang tubig na ginagamit sa paggawa nito ay galing umano sa isang manhole?
Ito ang viral na video na nakunan ng isang netizen sa isang bahagi umano ng Parañaque. Sa video, makikita ang isang lalaki na sumasandok ng tubig sa isang manhole at inilalagay sa isang container na kalimitan ay ginagamit na lalagyan ng samalamig.
Matapos mapuno ang dalang container ay makikitang tinakpan na ng lalaki ang naturang manhole at walang anumang lumakad na papalayo dala ang container at sandok na gamit.
Kinumperma umano ng nagbahagi ng naturang video sa social media na ang tubig na iyon galing sa manhole ay siya rin umanong gagamitin sa paggawa ng inuming samalamig!
Kaya naman, upang malaman kung saan at kung totoo ang naturang pangyayari, hinanap at tinunton ng isang programa kung nasaan ang tinutukoy na manhole sa trending na video.
Hindi kalaunan ay nalaman nilang ang naturang manhole ay nasa isang bahagi ng kalsada sa Parañaque na malapit lang rin umano sa simbahan ng Baclaran.
Maliban dito, napag-alaman rin na ang naturang manhole ay pag-aari ng Maynilad dahil sa logo o marka ng manhole sa takip nito.
Ayon sa mga residenteng nakatira malapit sa lugar, madali lang talaga umanong buksan ang tinutukoy na manhole at kung sinu-sino lamang rin ang nagbubukas at nakikinabang rito.
Pinapakinabangan umano ang naturang manhole ng iba’t-ibang mga tao tulad na lang ng mga bata at mga drayber.
Ilang mga drayber umano ang ginagamit ang tubig mula sa manhole na ito upang gawing panlinis sa kanilang mga sasakyan.
Maliban rito ay pati umano mga bata sa paligid nito ay sa manhole na rin na naliligo, na kung minsan, pati ang tubig na pang-inom ng mga ito ay dito na rin kinukuha!
Pinatotohanan naman ang lahat ng ito ng mga taong madalas sa lugar at nakakakita sa mga pangyayari.
Kaya naman, kaugnay nito ay naglabas ng pahayag si Dr. Olga Virtusio, isang Parañaque City Health Officer.
Ito ang kanyang naging pahayag:
Maliban sa kanya ay mayroon pang isang pahayag kaugnay sa manhole na ito galing sa PIO ng Parañaque City na si Mario Jimenez.
“Kasi baka mamaya may mahulog pang tao, laong mas malaki problema natin niyan, eh. Through the coordination ng barangay i-pinpoint ‘yung lugar, ipinasi-seal namin ‘yung mga open manhole. Kami naman laging coordinated. ‘Pag nakita namin ‘yun, tapos ang service utility ay Maynilad, we call the attention of Maynilad,” saad ni Jimenez.
Ayon pa rin sa mga kinauukulan sa Parañaque, ang tubo sa ilalim ng manhole ang siya umanong pinanggagalingan ng tubig na lumalabas mula rito. Sa ngayon raw ay wala pa umanong tugon ang Maynilad sa naturang problema ng manhole.
Maliban sa maling paraan ng paggamit ng tubig na nakukuha sa tinutukoy na manhole, delikado rin umano ito dahil maaring maging sanhi ng mga aksidente ang mga ganitong manhole na madali lamang na-bubuksan.
PANOORIN ANG BUONG DETALYE: