Sa pagsabog ng Taal, isa sa mga pinangangambahan na labis na maapektuhan ay ang mga kabayo na marami ang bilang sa isla.

Saad ng gobyerno, matapos umanong mailikas ang mga residente na delikado ang kondisyon sa Taal ay pipilitin nitong mailikas rin ang mga hayop rito tulad ng mga kabayo.

Ngunit, marami ang nadismaya ng inanunsyo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Batangas na hindi na umano ililikas ang mga kabayo at wala na ring papayagang mga organisasyon na gumawa nito.

Kaya naman, kusa nang gumawa ng hakbang ang mga may-ari ng kabayo upang mailikas ang mga ito galing sa isla.


Ani ng mga ito, “Wala namang maasahan so kami na lang.”

Ayon sa datos ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS noong ika-14 ng Enero, nasa 30 na umano ang mga kabayong mano-manong nailikas ng mga amo nito mula sa kabuuang bilang nito na 3000.

“30 out of 3000. The owners of the horses of Taal Island took action this morning when they heard the news that the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) will no longer evacuate the horses and that animal rescuers were not being allowed to go to the island,

“One horse at a time, the horse owners took turns using 3 to 4 wooden boats and rowed over 50 kms to transport the horses to Balete, Batangas,”

Sa tulong ng PAWS, mabibigyan ng atensyon ni Dr. Modomo, isang beterinaryo, ang mga kabayong ito na labis na nasaktan at nasugatan mula sa pagsabog.


Dinala ang mga kabayong ito at ilang hayop sa Balete sa Batangas. Ngunit, nang ideklara na delikado na rin ang lugar, sinimulan agad ng PAWS at ng mga may-ari ang muling paglikas ng mga hayop.

Mula kahapon, ika-16 ng Enero, umabot na sa 43 ang nailikas na mga kabayo at ilan pang mga hayop tulad ng baka at kalabaw. Ayon sa datos ng PAWS, galing sa Balete, Batangas ay matagumpay na nailikas ang 43 kabayo, 7 baka, 3 kalabaw, 5 kambing, at isang baboy.

Naging saksi ng paglikas na ito ang Vice Governor ng Batangas at Office of the Vice President. Kaya naman, agad nakipag-usap ang mga may-ari ng mga kabayo sa mga ito na kahit raw sa pinakamaliit na chansa na mayroon pang mga buhay na kabayo sa Taal, sana raw ay tulungan silang mailikas ang mga ito.

“We can do this.”


Ito ang naging tugon rito ng Vice Governor sa mga tao at maging sa mga organisasyon gaya ng PAW.

Sa kabila ng lahat, malaki pa rin ang pag-asa at paniniwala ng mga may-ari ng mga hayop lalo na ng mga kabayo na buhay ang mga ito at maililikas mula sa hirap na dinaranas nito ngayon sa isla.

Kasabay nito, ang PAWS ay patuloy na tumatanggap ng mga donasyon para sa agarang paglikas at pagtulong para sa mga hayop, tulad ng mga kabayo, na nailigtas sa sakuna.

Dog food, cat food, freshly-cut grass for horses and cattle and water donations will continue to be accepted at the PAWS Animal Rehabilitation Center in Aurora Boulevard, Katipunan Valley, Loyola Heights QC from 9am to 6pm daily except Sundays.

Cash donations for animal relief may be deposited to :
* PAWS PNB Account Number 188870015305
* PAWS BPI Account No 3943-0086-11

Or donate online by clicking on Paypal donation at https://paws.org.ph/donate/

PANOORIN NATIN DITO:



Source: Facebook