Bagong taon na naman. Panahon na naman ng mga paputok. Kahit ilang beses mang tinangkang ipagbawal ang paggamit ng paputok sa bagong taon, hindi pa rin nito mapigilan ang pagpapaputok dahil ito ay naging tradisyon na ng karamihan sa mga Pilipino.

Hindi kumpleto ang bawat bagong taon kung walang mga taong nagpapaputok sa bawat kalye. Hindi kompleto ang pagsalubong kung wala ang ingay na dulot ng mga paputok na ito. Kaya naman, hindi rin maiiwasan ang mga aksidente sa pagpapaputok taon-taon.

Kasabay ng paghahanda sa bagong taon ay ang paghahanda rin ng mga ospital sa bawat pasyenteng darating nang dahil sa naputukan. Kalimitan pa nga sa mga napuputukang ito ay nauuwi sa pagkaputol ng ilang parte ng kanilang katawan, tulad ng kamay.

Nitong katatapos lang na bagong taon, isa sa maraming naiulat na naputukan ng paputok ay ang isang magsasaka galing sa South Cotabato.

Isang 48 anyos na Romeo Lumbay galing Lake Sebu, South Cotabato, ang tuluyang naputulan ng daliri matapos dumikit sa kanyang mga daliri ang sumabog na five-star na paputok.


Dumikit umano ang naturang paputok dahil katatapos lamang nitong kumain ng suman. Kaya naman, nasama ang kanyang daliri sa pagsabog ng nasabing paputok.

Matapos nito ay agad namang dinala si Lumbay sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ngunit dahil sa kanyang natamo, dalawang daliri ni Lumbay ang tuluyan pa ring pinutol.

Ang naturang paputok nga raw na sinindihan ni Lumbay ay natira nga lamang umanong paputok noong pagsalubong sa bagong taon.

Eksakto namang kakain lang niya ng suman ng sinindihan niya ang natirang five-star na paputok kaya dumikit ito sa kanyang mga daliri at doon na rin sumabog.


Ayon naman sa datos na iniulat, si Lumbay ang pangalawang taong biktima at naputulan ng daliri dahil sa paputok galing sa South Cotabato.

Maliban sa kanya, mayroon pang ibang naiulat na biktima ng paputok galing pa rin sa South Cotabato, tulad na lang ng isang residente galing sa bayan ng Banga na parehong pinutulan ng daliri dahil sa nasabugan ito ng paputok noon namang pagdiriwang ng Pasko.

Ngunit napakaliit lamang ng bilang na ito kung ikukumpara sa mga bilang ng mga biktima at naputukan ng paputok sa bagong taon sa Metro Manila. Sa unang araw ng taon ay umabot na agad sa higit 70 ang bilang ng mga naputukan sa Metro Manila lamang. Karamihan pa sa mga ito ay kinakailangang putulin ang parte ng katawan na naputukan.

Hindi pa kabilang sa bilang na ito ang mga naging biktima ng paputok sa mga kalapit na lugar at maging sa buong Luzon.

Kahit patapos na ang unang araw ng taon, patuloy pa ring nadadagdagan ang mga bilang ng mga nabibiktima o nasabugan ng paputok. Kagaya na lamang nitong nangyari kay Lumbay na nauwi pa sa pgkaputol ng kanyang dalawang daliri.

Kaya naman, dapat na maging maingat sa pagsalubong sa bagong taon. Mas maigi pa rin na huwag na lang gumamit ng paputok at gumamit na lang ng torotot. Wala ring kwenta kung maingay ng ang pagsalubong sa bagong taon ngunit buong taon naman ng buhay mo ay mawawalan ka ng ilang parte sa iyong katawan.

PANOORIN ANG BUONG DETALYE: