Maliban sa pagkakaroon ng mga magagandang tanawin, mapuputing buhangin sa mga beaches, at pagiging masayahin ng mga Pinoy, kilala rin ang Pilipinas sa mundo dahil sa pagkakaroon ng mga kakaiba ngunit hindi maikakala ang sara na mga pagkain.
Dinarayo ang ating bansa ng mga banyaga dahil sa pagkakaroon natin ng kakaiba at hindi pang-karaniwang mga pagkain. Mga pagkaing bumubuo na sa bawat araw natin lalo na iyong mga nabibili lamang sa mga kalye.
Kwek-kwek, kikiam, fishball, betamax. Ilan lamang ito sa mga nakakatakam na pagkain natin natin na nabibili lamang sa kalye. Mga pagkaing binabalik-balikan ng lahat dahil hindi maikakaila ang sarap at kakaibang lasa ng mga ito.
Mula sa pinaka-kakaibang pagkain tulad ng balot, isaw, at inihaw na dugo, hanggang sa paborito ng lahat na kwek-kwek at fishball, walang itulak kabigin dahil binubuo na nito ang bawat araw ng karamihan sa mga Pilipino.
Binabalik-baikan ng mga Pilipino man o banyaga ang mga pagkain ito. Sikat na sikat nga ang balut sa ibang bansa pati na rin ang sisig na madalas ay pulutan dito sa atin.
Kay naman, dahil na rin sa pagiging malikhain ng mga Pinoy, isang tindahan ang nakaisip na gawing keychain ang mga pagkaing Pinoy na ito at ibenta. Maliban sa nakakatakam na itsura ng mga ito, nakakahanga rin ang husay sa paggawa nito na makikita sa bawat detalye ng keychain.
Ang tinutukoy na tindahang ito ay ang Lakbay Museo na matatagpuan sa S’maison mall, Marina Way, MOA Complex, sa Pasay City. Ibinenebenta ng mga ito ang naturang mga keychains sa halagang Php 149.
Kung tutuusin, maliit na halaga lamang ang presyong Php 149 kung titingnan kung gaano kahisay ang pagkakagawa sa natirang keychains. Kung titingnan ay mistulang totoo ang mga ito na talagang nakakapagpatakam.
Ilan sa mga Filipno Street Food na mayroong katumbas na keychain ay ang mga pagkaing Banana Cue, kwek-kwek, isaw, paanng manok adidas, at inihaw na dugo.
Maliban sa mga street food, pati mga popular na ulam Pinoy ay kasama rin sa ginawan ng keychain ng Lakbay Museo. Ilan sa mga ito ang Tuyo, Pritong Manok, Chicken Wings, lumpia, at iba pa.
Patok naman sa mga netizen ang naturang mga pagkaing keychain. Humanga pa nga ang mga ito sa galing at pulido ng pagkakagawa. Kopyang-kopya ng mga ito ang itsura ng totoong pagkain, kaya naman, hindi mo mapapansin na ito’y hindi totoong mga pagkain at mga keychain lamang.
Ayon sa isang pag-aaral ng isang research organization sa bansang Germany ng Max Planck Society, ang simplemg pagtitig sa larawan ng isang pagkain ay awtomatikong nagpapagutom sa isang tao. Kaya naman, ang mga keychain na ito na mukhang mga pagkain ay walang dudang magpapatakam sa sinumang bibili at magmamay-ari nito.
Anila, mabuti umano ang mga keychain na ito para sa mga taong mahilig sa pagkain at nais na mayroong dalang pagkain kahit saan.
Kaya naman, bilang pagsuporta na rin sa gawang Pinoy at sa mga pagkaing tunay na Pinoy, pag-isipan nang bumili ng isa sa mga keychain na ito. Ikanga nila, suportahan natin ang sariling atin.
Source: pinoyrapradio