Matagal ng problema sa buong bansa lalo na sa Maynila ang maayos na pabahay. Sa isang lugar gaya ng Maynila na milyon-milyon ang nakatira, sobrang talamak ang mga skwater na nagkalat lamang sa maraming bahagi ng syudad.
Karamihan sa mga skwater o informal settlers na ito sa Maynila ay nagtatayo ng barong-barong sa gilid ng mga maruruming ilog, sa ilalim ng tulay, o di kaya sa mga nagsisiksikan sa mga bakanteng lote.
Ilang taon na itong suliranin ng pamahalaan na hindi matapos-tapos. Kaya naman, marami ang natuwa sa isang balita kung saan mayroong inihayag ang kasalukuyang Manila City Mayor Isko Moreno na siyang tatapos sa suliranin sa skwater.
Ito ang tinatawag ni Mayor Isko na ‘Tondominium’. Ayon kay Mayor Isko, ang Tondominium o ang ‘in-city housing’ umano ang magiging solusyan at siyang lulutas sa problema ng talamak na skwater sa Maynila.
Sa Tondominium, maipapakilala umano ang sistema ng vertical housing sa mga skwater. Dito planong itira ni Mayor Isko ang mga skwater ng Maynila.
Plano na ni Mayor Isko at ng kanyang mga kasama sa lokal na pamahalaan na simulan na ang pagtatayo nito. Mayroon na umanong dalawang lote na nakalaan sa pagtataro ng Tondominium sa Tondo at sa Binondo, Maynila.
“We’re going to build Tondominium 1 [and] Tondominium 2. We’re going to utilize whatever space that we have,
“Noong araw, ‘pag sinabi momg Tomdominium… patung-patong lang ‘yong bahay. The way it is being perceived can be utilized in our advantage,” saad ni Mayor Isko sa isang panayam.
Dagdag niya pa sa panayam na ito, itong Tondominium na isang sistema ng vertical housing ang nais niyang maipakilala at maituro sa mga iskwater upang mayroon silang maayos na tirahan.
Sa kasalukuyan ay mayroon na umanong dalawang lote na nakalaan para sa dalawang Tondominium na balak itayo. Ang mga loteng ito raw ay nasa Tondo, Maynila at mayroong mga sukat na 3000 square meters habang 2000 square meters naman ang isa.
Ngunit ang pagtatayo ng mga ito ay mangangailangan ng malaking pondo. Kaya naman, upang matustusan ito ay nangutang ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa dalawang bangko ng gobyerno.
Mayroon na umanong nautang na limang bilyong piso ang Maynila galing sa Development Bank of the Philippines (DBP). Maliban diti ay plano rin nilang magdagdag at umutang sa Land Bank ng halagang sampung bilyong piso.
Sa kasalukuyang budget ng Maynila sa taong ito, nasa humigit-kumulang 1.8 milyong piso ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa kanilang Social Amelioration Program na planong matulungan ang tinatayang 301, 092 tao. Bahagi rin ng programang ito ang planong pagtatayo ng Tondominium.
Ipinaliwanag naman ni Mayor Isko na gagamitin rin umano ang pera sa para sa pangangalaga sa kalusugan, parke, health center, ang mga proyektong pabahay, at iba pang makakatulong sa Maynila na pawang bahagi ng Social Amelioration Program ng lungsod.
Ang lahat ng ito ay para lang rin naman sa ika-aayos at para sa mas ikabubuti ng buhay ng mga taga Maynila. Isa lamang ito sa marahil ay ilan pang mga nakatakdang plano at proyekto ni Mayor Isko at ng lokal na Pamahalaan ng Maynila para sa mga residente nito.
Source: definitelyfilipino