Likas na ang hilig ng karamihan sa mga bulaklak lalo na iyong may matitingkad na kulay. Bukod sa kulay nitong kaaya-aya ay nakakapagpadagdag pa sa ganda ng bulaklak ang halimuyak nito.

Ngunit, mayroong mga bulaklak na kahit gaano man kaganda tingnan, delikado pala at pwedeng may dalang nakakasama.

Kamakailan lamang, ang Kagawaran ng Kalusugan sa bansang Taiwan ay naglabas ng abiso na huwag umanong kumain ng isang uri bulaklak dahil sa kakulangan ng mga patunay na ligtas itong kainin.

Ang tinutukoy na uri ng bulaklak na ito ay ang tinatawag na Blue Butterfly Pea. Isa itong uri ng bulaklak na kulay indigo na tumutubo sa Asya at iba pang lugar rito.

Ang naturang bulaklak ay kilala na ginagamit sa mga inumin dahil sa umano’y taglay nitong benepisyo sa kalusugan. Dahil rin sa pinaniniwalaang benepisyo nito, madalas itong gawing sangkap o hinahalo sa mga pagkain ng mga tao na kadalasan ay nakatira sa mga bansa sa Timog-Silangang bahagi ng Asya.


Umabot na rin ang paniniwalang ito sa bansa ng Taiwan kaya unti-unti na rin itong hinahalo sa mga inumin at pagkain roon.

Dahil sa nangyayaring ito, naglabas ng babala ang Food and Drug Administration ng Taiwan na hindi pa pinahihintulatang gawing sangkap sa pagkain o inumin ang Blue Butterfly Pea sa bansa.

Ayon kay Wang Ming-li, ang director ng DFA sa syudad ng Taipei, tanging ang paggamit sa bulaklak bilang pampakulay o isang coloring agent ang pinahihintulutan sa ngayon. Wala pa umanong inilalabas na pahintulot na pwede itong ihalo sa pagkain o inumin.

Ang Blue Butterfly Pea ay mayroon umanong flavonoids na siyang dahilan ng uterine contractions. Kaya naman, hindi umano mabuti para sa mga buntis ang anumang pagkain o inumin na mayroong sangkap na Blue Butterfly Pea.



Kaya naman, sa kabila ng paniniwala sa benepisyong dulot nito sa ibang mga bansa sa Asya, hindi pa rin ito pinahihintulutan sa bansang Taiwan hangga’t walang pag-aaral na sumisigurado sa kaligtasan nito ang DFA sa Taiwan.

Sa kasalukuyan, ayon sa datos ng DFA sa bansang ito, mayroon umanong apat na tindahan o establisemento sa Taiwan na ginagamit ang Blue Butterfly Pea bilang pangkulay.

Ngunit, wala pa ni isa man ang napapaulat na ginagamit itong sangkap o gumagawa ng pagkain galing rito sa bansa.

Wala pa umanong lumalapit sa DFA upang ipa-aproba ang anumang produkto nito na mayroong sangkap ng naturang bulaklak.


Babala naman ni Wang, sinuman ang mahuli na ilegal na nagbebenta ng anumang pagkain o inumin na mayroong sangkap na Blue Butterfly Pea ay maaaring pagmultahin. Hindi biro ang halaga ng multa rito na umaabot lang naman sa NT$ 60 000 hanggang NT$ 200 million.

Kung isasalin sa piso, nagkakahalaga ang multa mula isang daang libo piso hanggang milyones.

Gaano man kalaki ang paniniwala na mayroong magandang dulot ang bulaklak sa kalusugan, hangga’t hindi ito napapatunayan ay bawal at ilegal pa rin ito para sa bansang Taiwan.

Kaligtasan pa rin ng mga mamamayan ng bansa ang mas importante kaya nito ipinatupad ang pagbabawal sa bulaklak hangga’t wala pang matibay na ebidensya na ito’y ligtas.

Source: focustaiwan