Kamakailan lang, isang 67 taong gulang na American National ang tumalon sa isang gusali sa Tagbilaran City, Bohol nito lamang Lunes ng hapon, ika-10 ng Pebrero.

Ang amerikanong ito na kinilalang si Landon Shields ay nagpaplano pa lang magpakamatay kaya ito tumalon sa tinutuluyang hotel. Tumalon ito mula sa ikalawang palapag ng Arabelle Suites sa Barangay Cogon sa Tagbilaran City.

Ayon naman sa ulat ng nga pulis na rumesponde sa pangyayaring ito, kaya umano gustong magpakamatay ni Shields ay dahil sa labis itong nasaktan at nalugmok mula sa pakikipaghiwalay sa kanya ng kasintahang Pilipina!

                                            photo credit to Ethel Iker

Kakahiwalay lamang pala nito sa kanyang kasintahan na kinilalang isang babaeng nagngangalang ‘Ruthlyn’, isang residente sa Bohol.

Marahil ay labis nitong inibig ang Pilipina kaya naisipan nitong tapusin na lang buhay dahil lamang sa hindi na niya ito makakasama sa buhay.

Mabuti na lamang at maayos na ang lagay ni Shields na agad namang nadala ng mga awtoridad sa ospital. Dinala agad ito sa Governor Celestino Gallares Medical Hospital ng Tagbilaran City.

Ayon naman kay Staff Sgt. Rofel Mendoza ng Tagbilaran City Police Station, mayroon naman umanong malay si Shields nang dalhin nila ito sa ospital. Nagawa pa nga umanong ilahad ni Shields kay Mendoza kung paanong nasaktan ito sa pakikipaghiwalay niya mula sa kasintahan kaya nito naisipang magpakamatay at tumalon sa gusali.

                                             photo credit to Ethel Iker

“Matud pa niya pag interview nag attempt kuno siya og suicide kay gibuwagan siya sa iyang uyab,

“Naa pud ni siya’y bali sa tuhod pero conscious ra siya,” ani pa ni Mendoza.

(Sabi pa niya [Shields] ‘nung interview na kaya ito nag-attempt ng suicide ay dahil hiniwalayan siya ng kanyang kasintahan,

(Meron rin siyang bali sa tuhod pero conscious naman ito)

Mabuti na lamang at ito lang ang natamo ni Shields dahil na rin sa agaran itong naisugod sa ospital at nalapatan agad ng daliang lunas.

Maliban sa bali nito sa tuhod, mayroon ring ilan pang sugat at maging mga bali ang Amerikano sa ibang bahagi ng katawan nito.

Ayon sa nga ulat, pumunta si Shields sa Bohol bilang isang turista at tatlong buwan na itong nananatili sa probinsya ng Bohol.

                                             photo credit to Ethel Iker

Wala namang naging ulat ukol sa dati nitong kasintahan na si ‘Ruthlyn’ ukol sa kung anong reaksyon nito sa nangyari kay Shields.

Ang nangyaring ito kay Shield ay isang halimbawa kung paanong minsan ay hindi na rin nakakabuti ang labis na pagmamahal sa isang tao. Minsan ay humahantong na ito sa nakakalimutan na ang ating sarili at inilalaan na lang ang buong buhay sa karelasyon.

Kaya naman, kapag dumating ang araw na iiiwan ka ng taong akala mo’y panghabang-buhay, maaaring hindi mo ito kayanin at maaaring magresulta pa sa hindi mabuting mga pangyayari, kagaya nang kay Shields.

Mabuti na lamang at maayos na ang kalagayan ni Shields mula sa kanyang pagtalon. Nawa’y mapagtanto nito na hindi niya kailangang tapusin ang kanyang buhay dahil lamang sa natapos na ang isang relasyon na akala niya ay magtatagal.



Source: boholchronicle