Kahit parehong matatanda na at pareho ring nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, kahanga-hanga ang ipinapakitang katatagan at pagtupad sa kanilang tungkulin sa isa’t-isa ng mag-asawang ito galing Wuhan sa China.
Hinangaan ng mga netizen ang ipinakitang pagmamahal at pag-aalaga ng isang 87 taong gulang na lolo sa kanyang minamahal na asawa. Parehong tinamaan at nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa ngunit, mas nangangailangan ng pag-aalaga ang asawa ni lolo.
Sa ospital kung saan kasalukuyang nananatili ang dalawa, nakunan ang mga ito ng video habang pinapakain ni lolo ang kanyang asawa. Ayaw umano nitong kumain ani ng mga nagbabantay rito kaya naman lumipat si lolo sa ward nito upang siya na mismo ang mag-alaga sa asawa.
Malakas pa naman si lolo kahit sa edad nitong 87 na taong gulang. Iyon nga lang, sa loob ng pitong taon ay dumaranas ng Alzhemeir’s disease ang kanyang misis. Dahilan ito upang lalong mas tutukan si lola at kinailangan pang alagaan ito ni lolo.
Nagpadagdag pa sa kondisyon ni lola ang pagiging positibo nito sa COVID-19. Mabuti na lamang ay mayroong mas maayos na pangangatawan si lolo at maayos rin naman umano ang serbisyo at pag-aalaga sa mga ito ng ospital kung nasaan sila naroroon.
Makikita naman sa video na nakunan kung paanong agad naging magana si lola sa pagkain nang ang mister na mismo nito ang nag-alaga at nagpapakain sa kanya. Nang hindi pa dumarating si lolo at nasa kabilang kwarto pa ay halos di umano magalaw ang pagkain ni lola. Ngunit, nang lumipat naman ito sa kwarto ni lola ay halos walang bahid na ayaw ng misis nito ang pagkain sa gana nitong kumain.
Sa kabila ng kondisyon ng asawa, nakakahanga rin na walang pag-aalinlangan o anumang pagkabagot na ipinakita si lolo habang inaalagaan ang misis.
Isang patunay ito marahil na kasiyahan ni lolo na alagaan ang kanyang minamahal na kabiyak. Gayun rin naman kay lola kung saan, tanging si lolo lamang ang kanyang nais makasama at mag-alaga sa kanya. Marahil, kahit sa anong sitwasyon na kanyang danasin, basta’t naroon ang kanyang asawa ay kakayanin rin ni lola.
Kaya naman, sadyang nakakaantig ang pangyayaring ito na walang dudang labis na hinangaan ng mga taong nakapanood na ng naturang video. Mabilis rin itong kumalat dahil marami ang natuwa sa nakunang nakakaantig na pangyayari.
Ang ipinakita ng mag-asawang ito ay isang patunay at larawan ng wagas na pagmamahal ng mga ito sa isa’t-isa. Sa kabila man ng katandaan at dinaranas na pagsubok o karamdaman, hindi sila nagpatinag o nagpatalo. Nananatiling buo ang kanilang sinumpaang pagmamahalan sa isa’t-isa at matibay na pagsasama, sa hirap man o ginhawa.
Mga katangian ito na siyang nararapat taglayin ng mag-asawang binuo at pinagtibay ng pagmamahal. Isa itong larawan kung paano dapat ang isang asawa sa kanyang asawa, kahit na tumanda man ito at tamaan ng anumang sakit o karamdaman.
Isang pangyayari na nararapat lamang umani ng papuri at nararapat lang rin na tularan ng iba pang mga mag-asawa.
PANOORIN ANG VIDEO DITO:
Source: mostrendingph