Ang ngiti ang isa sa mga pinakaunang napapansin sa isang tao. Dito nakakabuo ng panibagong kaibigan at napapagaan rin nito ang relasyon sa kapwa. Kaya naman, mahalaga ang pagkakaroon ng maputing mga ngipin para sa pagkakaroon ng magandang ngiti.
Ngunit, problema ng ilan ang pagkakaroon ng marurupok at manilaw-nilaw pang mga ngipin. Kadalasan, gumagastos pa ng malaki ang ilan para sa pagpapalinis ng ngipin at pagbili ng mga produkto para rito.
Ngunit, paano naman kaya ito masusulosyunan nang hindi na kailangan pang gumastos at kumonsulta sa isang dentista? Alamin rito ang ilang mga paraan na ayon mismo sa isang magaling na eksperto.
Matapos nito, ihalo sa dinurog na egg shells ang lemon at coconut oil atsaka naman haluin hanggang sa maging paste. Ito ang gamitin sa ngipin at panatiliin dito ng hanggang tatlong minuto. Maaari umano itong ulitin ng isang beses sa isang linggo.
Maliban rito, inirerekomenda rin ang pagkain ng yogurt, gatas, keso, at almond. Ito umano ay upang makakuha ng 1 000 to 2 000 milligrams na calcium intake na kinakailangan sa pagpapatibay ng ngipin.
Para naman sa sumasakit na ngipin, ihanda ang tubig, paminta at asin. Paghaluin ang mga ito at saka ibabad rito ang isang bulak. Sa loob ng tatlong minuto, ilagay ang naturang bulak sa sumasakit na ngipin.
Maaari rin umanong gumamit ng activated charcoal sa sumasakit na ngipin ngunit, kapag sobrang sakit na ay kinakailangan pa rin umanong komunsulta sa dentista. Ang carbon sa activated charcoal ay sinasabing nakakawala ng sakit sa ngipin.
Problema mo ba ang paninilaw ng ngipin? Huwag nang mag-alala. Ihalo lamang umano ang baking soda sa iyong toothpaste. Ibabad ang ngipin sa mixture na ito nang limang minuto. Gamit ang foil, panatilihin ito sa ngipin upang dumikit rito ang mga whitening properties ng baking soda at toothpaste. Maaari itong ulitin ng dalawang bese sa isang buwan.
Maputi nga ang iyong ngipin ngunit mabaho naman ang iyong hininga. Ano naman ang maaari gawin para sa problemang ito?
Para sa pagtanggal ng mabahong hininga, maaaring gamitin ang activated charcoal. Maliban sa pagpapaputi ng ngipin, ang activated charcoal ay antibacterial rin umano kaya maaari itong gamiting pampawala ng hindi magandang baho ng hininga. Maganda rin daw ito para sa gums.
Kailangan lamang ihalo ang activated charcoal sa tubig hanggang sa maging paste. Matapos gawin ay pwede na itong ipahid sa ngipin at panatilihin o ibabad rito ng ilang minuto. Maliban sa pagpahid, maari rin umano itong imumog.
Maaaring mabili ang activated charcoal sa mga drug stores. Mayroon na rin nito online at pwedeng ma-order.
Sa pamamagitan ng mga paraang ito, siguradong mababawasan na ang mga problema sa pagtanggal ng baho ng hininga, pagpapaputi, pagpapatibay, at pagtanggal ng sakit ng ngipin. Gamit ang mga bagay na karaniwan ay makikita sa kusina, hindi na kailangang gumastos pa upang masolusyonan ang mga problemang ito.
Upang maiwasan ang mga problemang ito, ugaliin pa rin ang regular at tamang paglilinis ng ngipin. Ito pa rin ang pinakamagandang paraan upang magkaroon ng magandang ngipin at maiwasan ang mabahong hininga.
PANOORIN NATIN DITO:
Source: gmanetwork