Naging usap-usapan kamakailan lang si Robin Padilla matapos ang sunod-sunod nitong pahayag tungkol sa isyu ng ABS-CBN. Ngunit, maliban rito, isa sa mga nagpapukaw ng atensyon ng mga tao ay nang mayroon itong iniabot na mensahe para kay Coco Martin.

Matagal nang mayroong bulong-bulongan na umano’y binuhusan ng tubig ng bida ng ‘Ang Probinsyano’ ang isa nitong crew dahil sa ito’y natutulog sa trabaho.

Ang bulong-bulongang ito ay para bang kinumpirma ni Robin Padilla matapos nitong sagutin ang isang netizen na may pahayag tungkol kay Coco Martin.

Ito ang naging sagot ni Roben Padilla ukol sa komento ng isang netizen tungkol kay Coco:

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na ito nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na wag bubuhusan ng tubig yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae, Si John Loyd po ay isa sa mga artista ng ABSCBN na katulad ko ay ayaw na gumawa.”


Dahil sa naging pahayag na ito ni Robin, ani ng netizen ay mayroon umano itong sama ng loob para kay Coco kaya niya ito nasabi.

“Ang pagsasabi ng totoo ay hindi sama ng loob ang katotohanan ay masakit pero ito ay nagsisilbing panggising sa mga tulog. Peace be with you,” sagot naman uli ni Robin.

Hindi pa natapos sa mga pahayag na ito si Robin at muli uling nagkomento.  Ayon sa kanya, baka raw matulungan sila ng aktor sa isyung kinakaharap ngayon ng ABS-CBN.

“Mam bilang si direk coco po ang tumatayong tagapagtanggol ng mga artista ito po ba ay puedeng mailapit niyo sa kanya galing sa aming mga artista.


Halimbawa pag gumawa tayo ng tv program or movie sa abscbn tapos ipapalabas nila sa tfc . Kikita sila don ng malaki pero di man lang tayo bibigyan kahit konti.

Meron pa ngayon silang tv plus, i want tv , kbo at kung ano ano pa. Yung eksena natin sa tv ilalagay sa youtube channel nila kumikita po sila uli pero ni singko wala po tayo kapamilya,” dagdag pa nito.

Ngunit, nagpahayag na ng reaksyon ang kampo ni Coco kung saan, itinanggi nito ang paratang ng pambubuhos ng akto. Kung ginawa man umano ito ng aktor, ito’y para lamang sa katuwaan na madalas naman umanong ginagawa ni Coco at ng iba pang katrabaho sa tuwing patapos na ang kanilang taping. Maliban rito, wala nang ibang pahayag na inilabas pa si Coco.


Bago nito, umani ng maraming reaksyon si Robin dahil sa paghahamon nito sa ibang mga artista na ilabas at ipakita ang kanilang mga kontrata at kinikita. Kaugnay ito ng pahayag niya tungkol sa kanyang opinyon sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang ipinupunto niya umano roon ay ang pagharap ng kompanya sa kung anumang nilabag nito sa batas lalo na tungkol sa mga manggagawa nito.

Source: artistacentral