Sa ilang mga pagkakataon, nakakalungkot isipin na kapwa Pilipino pa mismo ang nanlalait at nanghuhusga sa isang Pilipino. Isang kaugalian na para bang normal na sa iba ngunit kung tutuusin ay masama at isang kaugaliang hindi dapat pamarisan.

Halimbawa nalang nito ay ang isang pangyayari na nangyari at nakunan mismo ng mag-asawang vlogger galing Bohol na sina Jodalyn at Brian Ahern. Si Jodalyn ay isang Pinay habang isa namang dayuhan si Brian.

Masaya naman ang naging simula ng ‘vlog’ ng mag-asawa habang naaaliw sa pamimili at pagbili ng mga damit at kung anu-ano pa sa Divisoria sa Maynila. Nakikipaghalobilo pa nga ang dalawa sa bawat tindera roon na kapwa Bisaya rin tulad nila.


Kaya naman, hindi mo iisipin na mayroong diskriminasyon na magaganap dahil maayos naman ang mag-asawa sa pamimili at pakikipag-usap.

Ngunit, habang namimili sa isang tindahan, halos mangiyak-ngiyak si Jodalyn nang mayroong sumigaw sa kanya na kung paano niya umano ginayuma ang kanyang asawang dayuhan. Ang mas malala pa rito ay nilait rin pati ang itsura ng asawa ni Brian.

Base sa maririnig sa video, ganito ang naging panlalait ng mga babaeng tindera sa Divisoria:

“Paano kaya gayumahin yan ma’am?”

“Bisaya ra ba na iyang kauban buang ka” (Bisaya ‘yung kasama niya baliw ka.)

“Kay di siya gwapa?”


Halatang nagulat at nasaktan si Jodalyn sa mga komento at panlalait sa kanya ng mga tindera. Hindi naman nanggaling sa tindahang kanyang binibilhan ang mga boses kundi doon sa kaharap na tindahan nito.

Halos maiyak si Jodalyn sa mga komento ng mga tinderang ito ngunit pinili niyang manahimik. Dahil halatang nag-iba ang timpla ng mukha ni Jodalyn, tinanong ito ni Brian kung ano ang nangyayari. Ngunit, marahil ay dahil sa gulat at at nasaktan ito sa pinagsasabi ng mga tinderang iyon ay hindi na niya ito masyadong naipaliwanang agad kay Brian.


Naging viral at pinag-usapan ang naturang vlog ng mag-asawa na kanilang ibinahagi sa kanilang Youtube Channel na ‘The Ahern Family’. Nangingibabaw sa mga komento rito ay kung paanong hindi mabuti ang kahit na anong klase ng diskriminasyon at na dapat umanong turuan ng leksyon ang naturang mga babae.


Kaya naman, sa sumunod na video na kanilang ibinahagi ay marami ang natuwa dahil, binalikan ng mag-asawa ang mapanglait na mga tinderang iyon sa Divisoria.

Dito, kinompronta ni Jodalyn kung sino ang mga babaeng iyon na nagsabi ng hindi maganda tungkol sa kanya. Agad nagturuan ang mga ito at tinangka pa na ibahin ang kanilang sinabi. Anila, ang ibig umano nilang sabihin ay ‘gugma’ (pag-ibig) at hindi gayuma.

“I didn’t came here to confront you guys, but, it’s not okay to humiliate anyone,

“Naiiyak ako talaga kasi hiyang-hiya ako…

“Hindi ako galit, okay? Pero huwag niyo nang gawin ‘yan,

“I was upset… I was hurt. But, I’m not mad,” saad ni Jodalyn sa mga tindera.



Sa gitna ng pakikipag-usap ni Jodalyn sa mga ito ay nakatagpo siya ng ilan ring mamimili na kinampihan ito at ang kanyang punto. Ipinagtanggol siya nito at tinulungan pang ipaliwanag na kailanman ay hindi maganda ang manlait nalang basta-basta ng sinuman.

Ani pa nga ng iba ay swerte raw ang mga tinderang iyon at mabait sina Jodalyn kaysa sa ibang kustomer na maaari silang gawan ng mas malala.

Hindi gugustuhin ng sinuman na makatanggap ng panlalait lalong lalo na’t mayroon rin itong dinadala. Maliban sa nasasaktan ang mga ito, binababa mo rin ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Kaya naman, kailanman ay walang maganda sa panlalait at pagbibigay ng masamang komento lalo na sa mga taong hindi mo naman kakilala.


PANOORIN ANG BUONG VIDEO DITO:




Source: thepader