Upang mas lalong mapanatili ang mga tao, lalong-lalo na ang mga kabataan, sa kanilang mga bahay, kakaiba ang karagdagang parusang ipinapatong ng Lungsod ng Santo Tomas sa Davao del Norte sa mga lumalabag sa ipinapatupad nilang curfew.

Ang mga nahuhuling lumalabag sa curfew ay dinadala sa isang lugar kung saan ang mga ito magpapalipas ng gabi. Ngunit, hindi ito sa isang kulungan na karaniwang pinagdadalhan sa mga ito.

Dinadala ang mga ito sa isang lugar kung saan may nakapwestong dalawang kabaong. Pauupuin umano ang mga ito sa harapan ng naturang mga kabaong at pababantayan sa kanila nang magdamag ang mga ito.

Nakapwesto na ang mga kabaong na ito sa loob ng Santo Tomas Recreational and Cultural Center, pati na rin ang mga upuan ng mga mahuhuli sa curfew.


Nitong Linggo, ika-29 ng Marso, nagsimula ang pagpapatupad ng naturang karagdagang kaparusahan sa mga mahuhuli sa curfew.

Bukod pa rito, mahaharap rin umano sa kaso ang sinumang mahuhuli na lalabag rito.

Ang mga ito ay upang strikto umanong mapanatili sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng naturang lugar bilang aksyon sa kumakalat na COVID-19.

Sa opisyal na facebook page ng pamahalaan ng Santo Tomas, Davao del Norte, inanunsyo nila ang pagpapatupad ng naturang mga kaparusahan.

LOOK: Curfew violators will spend their time watching over the two coffins inside the Santo Tomas Recreation and Cultural Center at Feeder Road 3, Santo Tomas Tomas, Davao del Norte.


Criminal charges will also be filed against those individuals who will be caught violating the curfew hours effective Sunday, March 29, 2020.

Wala pa mang 24 oras mula nang maipatupad at mai-anunsyo ang naturang mga parusa, mayroon na agad nasampolang mga residente na lumabag sa curfew ang Santo Tomas.

Humigit-kumulang isang oras matapos mainanunsyo ang kakaibang mga parusa, ininihayag agad nang Santo Tomas ang una nilang naitalang mga lumabag sa curfew na makakaranas nang naturang parusa.

Ayon sa mga awtoridad ng lungsod, ang mga residenteng ito ay nahuling lumabag sa curfew at nasa impluwensya pa umano ng alak.

Kaya naman, gaya ng inanunsyo, pinabantayan sa mga ito ang naturang mga kabaong habang pinag-aalay rin ng tahimik na dasal sa harapan ng mga ito.

LOOK: The first batch of curfew violators who were caught under the influence of alcohol offer their prayers in silence as they watch over the caskets inside the Santo Tomas Recreation and Cultural Center at Feeder Road 3, Santo Tomas, Davao del Norte.


Umani naman ng maraming reaksyon ang kakaibang parusang ito sa social media.

Marami sa mga ito ang natawa sa naturang parusa at nagbiro pa na baka pwede raw bigyan rin ng kape at biskwit ang mga mahuhuli.

Dagdag pa ng iba, lagyan rin daw ng kakaiba o nakakatakot na tunog ang lugar upang mas matakot pa na lumabag ang mga residente nito.

Pinuri rin ang naturang lungsod sa pagiging malikhain upang mapatigil na ang mga karaniwang lumalabag sa curfew. Sa pamamagitan umano nito, matatakot na raw ang mga matitigas ang ulo na pilit lumalabag sa curfew at gumagala pa rin lalo na sa gabi.

Source: Facebook