Umani ng simpatya sa mga netizen ang isang lalaking umano’y niloko ng sarili niyang girlfriend.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inilahad ng isang lalaki ang umano’y panloloko sa kanya ng kasintahan sa kasagsagan pa ng nangyayaring enhanced community quarantine.

Ibinahagi ng lalaking ito ang mga larawan ng pag-uusap sa messenger ng isang lalaki at ng kanyang girlfriend.

Ang mga ito ang umano’y patunay ng pagtataksil ng babaeng minamahal sa kanya. Ani ng lalaki, hindi niya umano inaasahan ang mga ito na mangyari sa kanya at na magawa sa kanya ng girlfriend.

Sa mga larawan o screenshots na kanyang ibinahagi, makikita ang malambing na pag-uusap ng kanyang girlfriend at ng isa pang lalaki.

Makikita rin ang pagpapalitan ng larawan ng dalawa na mas lalo pang nagpapatunay ng panloloko ng mga ito sa kanya.

Ang mas masakit pa, makikita na ang naturang pag-uusap ay may pagkamaselan.

Hindi na umano nakayanan ng naturang lalaki ang kanyang natuklasan kaya niya ibinahagi ang kataksilan ng mga ito sa Facebook.

Dagdag pa nito, marami pa umano siyang nabasa na usapan ng dalawa ngunit hindi na niya ito nakayanan pang basahin.


Ginawa niya naman umano ang lahat para sa naturang babae ngunit dahil lamang umano sa hindi nito naibigay ang kanyang gusto, pumatol na ito sa ibang babae.

Hindi nga ito nagkamali dahil nang komprontahin at makausap niya umano ang girlfriend, sinabi mismo nito ang parehong dahilan.

Nagawa niya umanong pumatol sa naturang lalaking kausap dahil nawalan daw ng oras sa kanya ang boyfriend. Kaya naman, humanap umano ito ng lalaking makapagbibigay sa kanya ng hinihinging oras.

Gustuhin niya man umanong maging pribado lamang ang pangyayaring iyon, hindi niya na umano nakayanan pa.



Sobrang sakit nga naman ng lokohin ng taong iyong minamahal at inaakala mong minamahal ka rin.

Kaya naman, dahil sa mabibigat na rebelasyon sa naturang post ay naging trending agad ito at pinag-usapan sa social media.

Marahil ay marami ang nakaramdam rin ng sakit na naramdaman ng lalaki. Hindi biro ang masaktan lalo na’t minahal mo ng totoo ang isang tao.

Mas masakit pa ito kapag nahuli mong pinagtataksilan ka ng taong ito at matagal na palang nangyayari sa iyong likuran nang wala ka man lang kaalam-alam.

Kaugnay nito, mapapansin na napapadalas ngayon ang mga kwentong katulad nito; mga kwento ng pagtataksil at pagkabigo sa pag-ibig.



Siguro kaya rin ito madalas na nangyayari ngayon ay dahil mas madali nang mahuli sa akto ang mga panloloko dahil sa internet, cellphone, at social media.

Ngunit, dahil rin sa social media minsan kaya natutukso ang isang tao na magtaksil. Mas madali nga naman kasing makatagpo ngayon ng iba’t-ibang tao sa Facebook, Instagram, at maging sa Twitter.

Ayon nga naman sa iba, mahirap na talaga ngayong makatagpo ng taong totoong magmamahal sa iyo, kagaya ng nangyari sa lalaking ito.

Sana ay dahan-dahan nang maghilom ang sugat ng mga taong nagkaroon ng parehong sitwasyon at naloko gaya ng lalaking ito. Sana rin ay makatagpo na sila ng taong totoong magmamahal sa kanila na masusuklian ang maibibigay nilang pagamamahal.