Miss mo na bang mag-milk tea? Gustong-gusto mo na ba nito ngunit di mo magawang bumili dahil nasa ilalim ng enhanced quarantine ang inyong lugar?
Pwes, wag nang mag-alala. Maaari ka nang gumawa ng sarili mong milk tea nang hindi kailangang lumabas at bumili pa nito.
Sa isang facebook post, ibinahagi ng isang Raysalyn De Leon kung paano umano gumawa ng home made milk tea.
Tinawag niya pa itong ‘milk quarantea’. Ani ni Raysalyn, isang eksperimento lamang umano ang ginawa niya para makagawa ng home made milk tea dahil gustong-gusto niya na umanong uminom nito.
Ngunit, dahil walang mabilhan dahil sa enhanced community quarantine, gumawa na lamang siya sa bahay. Kung paano?
Simulan mo raw muna sa paghahanda ng sumusunod na mga sangkap o ingredients:
Nestle cream
Condensed milk
Tapioca pearls (sago o pwede ring gumamit ng nata de coco)
Lipton
Flavors for milk tea (optional)
Kremdensada (optional)
Sa pamamagitan ng mga larawan at inihandang mga steps, ipinaliwanag ni Raysalyn sa kanyang facebook post kung paano gumawa ng milk tea sa bahay gamit lamang ang mga sangkap sa itaas.
Heto ang mga hakbang sa paggawa ng ‘milk quarantea’ ayon kay Raysalyn.
Step 1:
Magpakulo ng tubig depende sa kung gaano karaming pearls ang lulutuin. Saka ilagay ang pearls at muling pakuluin ng 20 minuto.
Siguraduhing malambot at malapot na ang pearls bago itapon ‘yung kaunting sabaw (kung mayroon pang sabaw na matira).
Step 2:
Magpakulo ulit ng isang basong tubig atsaka naman ilagay ang Lipton tea. Dapat raw matapang ang tea. Pakuluin ulit kasama ang inihalong tea.
Step 3:
Kapag gusto ng matamis na milk tea, damihan raw ang ihahalong condensed milk.
Matapos nito, ihalo na rin ang napiling flavor. (coffee, chocolate, atbp.) Depende pa rin sa iyo kung lalagyan mo ng flavor.
Step 4:
Ibuhos ang ginawang mixture ng condensed milk sa kumukulong tea. Haluin ang mga ito. Dapat daw ay medyo malapot ito dahil sa cream. Konti lang rin daw dapat ito.
Step 5:
Sa isang baso, maglagay ng pearls depende sa gusto mo. Pagkatapos, ilagay na rin ang ginawang mixture sa step 4 at tsaka maglagay ng maraming yelo.
Ang yelo umano ang magsisilbing pinakatubig ng ginawang milk tea. Kapag mayroon, pwede rin daw itong lagyan ng whipped cream.
Matapos ng lahat ng hakbang na ito, tapos na ang iyong ‘milk quarantea’!
Ma-eenjoy mo na ang paborito mong mailk tea habang nasa bahay. Pwede pa itong ulit-ultin hanggang sa magsawa ka at habang patuloy na ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa inyong lugar.
Sa panahon ngayon ng COVID-19, maraming mga tao na nananatili lamang sa kanilang mga bahay ang nag-iisip kung ano nga ba ang magandang gawin na hindi kailangang lumabas.
At itong ibinahaging recipe ni Raysalyn ay isang magandang pagkakaabalahan habang nakapirme sa bahay. Nagkaroon ka na ng mapagkakaabalahan, nakainom ka pa ng miss na miss mo nang milk tea.
Source: definitelyfilipino