Maliban sa pag-alam sa personal na buhay ng ating mga paboritong artista, nais din nating masilip ang bahay na kanilang tinitirhan.
Madalas ay naiintriga tayo kung gaano nga ba kalaki o kaganda ang mga bahay na pagmamay-ari ng ating mga iniidolong artista.
Kaya naman, kadalasan ay ibinabahagi ng mga artista ang kanilang mga tahanan sa mga magazine o mga tv show na siya namang hindi pinapalampas ng mga tagasuporta nito.
Isa na marahil sa mga aktor na gustong-gusto ng lahat ay si John Lloyd Cruz kaya naman marami ang nagnanais na makita kung ano ang itsura ng bahay nito.
Kaya naman, sa iilang beses na ipinasilip ng aktor ang kanyang bahay, marami ang hindi napigilan na mamangha rito.
Gaya ng maraming artista, hindi biro ang laki ng bahay ni John Lloyd Cruz na siyang kanyang tinatawag na ‘dream house’.
Katulong umano ng aktor sa pagtatayo at pagbuo ng kanyang bahay sina Roland Andres at Danny Lucas.
Nakatayo ang bahay nito sa Antipolo City at mayroong sukat na 1,100 square meters.
Kapansin-pansin sa labas ng bahay ng aktor na ‘French-Mediterranean’ ang estilo nito. Ngunit, iba na ang estilo nito pagkapasok sa loob ng bahay.
Nag-iiba ang estilo nito pagkapasok sa loob kung saan mayroong pagka-American ang disenyo o estilo ng bahay nito.
Ayon sa aktor, ito umano ay dahil sa gusto niyang maging komportable at maaliwalas lamang ang kanyang pakiramdam sa kanyang bahay.
Taliwas ang loob nito sa panlabas na disenyo ng bahay kung saan makikita ang pagiging elegante at grandisyuso ng bahay.
“Kung ano man ‘yung makikita niyo dito - laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kong kinonsider ‘yung comfort,” ani pa nito tungkol sa kanyang ‘dream house’.
Pagkapasok na pagkapasok sa loob nito, agad makikita ang malaking hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Isang malawak na espasyo ng bahay ang bubungad sa iyo pagkapasok rito.
Makikita rin sa ilalim ng hagdanang ito ang powder room ng bahay kung saan mala-hotel ang pagiging maaliwalas nito.
Makikita rin na napapalibutan ng naglalakihang mga bintana at glass doors ang bahay nito kaya naman, kitang-kita ang view at ganda ng labas ng bahay.
Mayroon ring malaking swimming pool ang bahay sa bakuran nito na napaka-relaxing ng datingan. Maliban rito ay mayroon ring malaking fishpond ang bahay dahil umano sa mahilig mag-alaga ng koi fish ang pamilya ni John Lloyd.
Sa hapag-kainan naman ang aktor ay kasya ang hanggang sampung tao sa dining table nito na napapalibutan ng glass doors.
Ang dining table set ng aktor ay gawa pa umano mula sa puno ng narra mula sa Linea Furniture.
Habang kumakain, kitang-kita mula rito ang maaliwalas na view sa labas ng bahay. Kitang-kita mula rito ang maayos at napaka komportable sa mata na bakuran ng aktor.
Ang bahay ni John Lloyd ang marahil ay isa sa pinakamagandang bahay sa hanay ng mga artista ngayon. Naging inspirasyon ito ng marami lalong lalo na sa mga taga-suporta nito na gusto ring magpatayo ng ganoong bahay sa hinaharap.
Source: famoustrends