Kahit sa gitna man ng isang pandemic, hindi pa rin mawawala ng pagiging malikhain at maparaan ng mga Pinoy.
Kagaya na lamang ng isang kakaibang tindahan na ito na kamakailan lang ay naging trending at kinaaliwan sa social media.
Hindi lubos aakalain ng sinuman na isang totoong tindahan ang naturang butas sa may kalye kung saan kailangan pang umupo o dumapa ng mamimili upang makita ang mga tinda nito.
Kitang-kita na hindi ito halos makapaniwala sa nakita at tawang-tawa pa habang patuloy ang pagkamangha sa tindahang iyon.
Para patunayan, bumili pa ng softdrinks at biskwit ang naturang lalaki. Totoo nga itong tindahan kung saan nagawa pang ipasilip kung anu-ano ang mga tinda sa naturang sari-sari store.
Maging si ateng tindira ng tindahan ay natawa rin dahil sa naging reaksyon ng mga bumili sa kanyang paninda.
Kaya naman, gaya ng pagkamangha ng lalaking nasa video, manghang-mangha rin ang mga netizen sa kakaibang tindahan.
Kasalukuyan nga ay umabot na sa halos 85 000 ang nakakapanood nito at lagpas dalawang libo na rin ang naaabot na shares.
Parang lungga lang talaga umano ng daga ang naturang tindahan dahil sa liit ng butas sa pader. Madiskarte raw talaga ang mga Pinoy para lamang mabuhay.
Ani pa ng iba, ang lupit raw talaga ng mga Pinoy at sa Pilipinas lamang makakita ng ganyan. ‘Only in the Philippines’ kumbaga.
Dagdag pa ng mga ito, mukhang kahit ang COVID-19 raw ay mahihirapang hanapin ang naturang tindahan. Hindi raw ito makakakayang tibagin kahit pa ang coronavirus.
Sa liit ng butas sa pader, nagtataka naman ang iba kung paano umano malalaman na mayroong tindahan roon. Paano nga ba?
Gayunpaman, ang sigurado ay marami ang naaliw sa diskarte ng naturang tindahan. Di maipagkakaila na marami ang napatawa nito at napangiti kahit sandali.
Heto pa ang ilan sa mga nakakaaliw na mga komento ng netizens:
“Ayos yan! Galing ni ate, walang kahuli-huli. Madiskarte sa buhay.”
“Baka naman may tinda silang alcohol diyan. Pabili po!”
“‘Yung iba lubog sa utang dahil sa tindahan, ito namang tindahan lubog sa kalsada!”
“Magandang hanap-buhay ‘yan kaysa magnakaw.”
Nalilito man at halos hindi makapaniwala, siguradong kahit papaano ay namangha at tumawa rin ang mga taong ito.
Sa panahon ngayon na laganap ang takot at pangamba sa mga tao, mabuti sa pakiramdam na paminsan-minsan ay makakita ng mga bagay na kahit paano ay nakakapagpatawa.
Kagaya na lamang ng iba’t-ibang mga bagay na ibinabahagi sa social media katulad ng nakakatawa ngunit kakaibang tindahan na ito.
Maliban sa mahilig humanap ang mga Pinoy ng mga bagay na makakapagpatawa, ang mga Pilipino rin ay walang dudang madiskarte at malikhain. Kahit gaano kaimposible at kakaiba, basta’t legal na maitawid ang mga pangangailangan, gagawin at gagawin ng mga Pilipino.
Panoorin ng buo dito: