Dahil sa walang kapagurang pagbabantay at pagsisilbi ng isang Barangay Kapitan sa Tacloban City, nagsuot ito ng proteksyon upang mapanatiling ligtas ang sarili sa COVID-19.

Ngunit, kakaiba ang suot na PPE (Personal Protective Equipment) nang Kapitanang ito. Gawa umano ito ng mismong anak ni kapitana kaya ito espesyal at kakaiba.

Patok ngayon sa social media ang larawan Kap. Arlene Divino ng Brgy. 63 sa Tacloban City habang nakasuot ng kakaiba at malikhaing PPE.

Ang suot na proteksyong ito ni Kapitana sa kanyang mukha ay hindi lamang basta-basta dahil mayroon itong disenyong mga puting bulaklak.

Nagmukha tuloy isang belo ang suot na protective gear na ito ni Kap. Arlene ngunit hindi naman maitatanggi na maganda ito at malikhaing ginawa.

Proud na proud itong sinusuot ni Kapitana habang madalas na nag-iikot upang i-monitor ang kanyang nasasakupang barangay.


Ang naturang mga larawan ni Kap. Arlene ay ibinahagi sa social media ng isang Junel Tomes.

Ayon pa ni Junel, ang mga larawang ito umano ni Kap. Arlene ay siguradong makakapagpangiti sa mga tao.

“Kakaiba ang proteksyon ni Kapitanan. Siguradong mag bibigay ng Positive Vibes sa kabarangay,” saad pa nito.

Isinaad rin ni Junel sa kanyang post kung saan nanggaling ang kakaibang proteksyon na ito ni Kapitana. Ayon sa kanya, gawa umano ito ng anak ni Kapitana para mabigyan siya ng proteksyon habang nagseserbisyo.

“Dahil sa walang kapaguran na pag tutok ni Kapitana sa pag monitor sa kanyang Brgy., naisipan ng kanyang anak na gawan sya ng improvised protection laban covid,” dagdag pa ni Junel.

Nagustuhan naman ng mga netizen ang mga larawang ito ni Kap. Arlene suot ang malikhaing protective gear kaya ito naging trending at umani ng mga positibong reaksyon.


Magmula nang pumutok ang kaso ng COVID-19, agad na nagpanic ang mga tao at hakot-hakot kung bumili ng mga proteksyon sa sarili gaya ng mga face masks at iba pang protective gears.

Dahil rito, umabot sa puntong nagkulang na ang suplay sa bansa at nagkulang na ang gagamitin ng mga frontliners sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ngunit, imbes na maghintay na lamang ng mga darating na protective gears, ginamit ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain upang gumawa na lamang ng mga DIY protective gears para sa mga sarili.

Magandang halimbawa nga nito si Kap. Arlene na ang suot ay isang DIY protective gear na gawa ng kanyang anak.

Dahil sa kailangan si Kapitanan ng kanyang mga nasasakupan sa panahong ito ng COVID-19, hindi ito pwedeng manatili lamang sa bahay.

Kaya naman, kahit delikado at wala nang ibinebentang protective gear sa nga tindahan, gumawa ito ng paraan na magkaroon nito upang patuloy na makapaglingkod.

Isa ring frontliner na maituturing ang mga responsableng politiko na katulad ni Kapitana. Kaysa unahin ang sarili, pinili nitong malagay sa panganib at patuloy na magsilbi.

Hindi lahat ng politiko ay gagawin ito. Kaya naman, nakakahanga ang Kapitan na ito.

Sana ay patuloy na ipagdasal ng lahat ang kaligtasa ng mga nasa frontline sa pakikipaglaban sa COVID-19 gaya ng mga pulis, sundalo, nars, at mga doktor.

Source: virtualpinoy