Nitong linggo lamang ay mayroong inilabas na ulat na mayroon umanong nag-aantay na Php 50 milyon ang pangulo para sa sinumang makakalikha ng bakuna para sa COVID-19.

Pinag-usapan agad ito sa social media kung saan naglabas ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizen.

Kaugnay nito, isang reaksyon ng isang netizen tungkol sa naturang ulat ang kumuha ng atensyon ng marami sa social media.

Ito ay ang naging Facebook post ng netizen na si Janssen Hesper Yap kung saan, gumawa siya ng isang meme tungkol sa paggawa ng vaccine upang makuha ang pabuyang Php 50 milyon.


Sa naturang post, dalawang larawan ang ibinahagi ni Yap. Isa rito ay ang larawan ng ulat habang ang isa naman ay kanyang larawan na animo’y tunay na gumagawa ng bakuna.

Sa naturang larawan, hindi mga kemikal na makikita sa isang laboratoryo ang ginagamit ni Yap sa umano’y paggawa niya ng bakuna.

Lotion, alcohol, dishwahing soap, at tuyo lang naman ang ilan sa mga sangkap ni Yap sa paggawa niya ng naturang bakuna.

Mga sangkap na nakita niya lamang umano na nakapatong sa kanilang mesa.

Kaya naman, kinaaliwan at naging patok sa mga netizen ang birong ito ni Yap kung saan tinawag niya pa ang sarili na mukhang pera kaya gumagawa ito ng bakuna pagkakita nito ng pabuya.


Marami ang naaliw sa pagiging malikhaing ito ni Yap na makagawa ng meme na sa hindi niya inaasahan ay naging patok sa social media.

Hindi umano nito inaasahan na magiging trending ang kanyang post dahil layunin lamang umano nito na makapagpatawa sa kanyang mga kaibigan.

Ngunit, agad na naging trending ang naturang Facebook post ni Yap at umani pa ng maraming mga reaksyon at shares mula sa libu-libong mga netizen.

Marami ang natuwa sa pagiging malikhain umano ni Yap para lamang makapagbigay ng ngiti sa mga tao.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 11 000 na ang na-aaning iba’t-ibang reaksyon ng post na ito ni Yap habang umabot naman na sa mahigit 20 000 ang mga shares nito.


Bagama’t marami ang naaliw at kinagiliwan ang birong ito ni Yap, mayroon pa ring iba na hindi ito nagustuhan at sinabing masyado umano itong mababaw.

Kaya naman, sa isang panayam, maliban sa pagpapasalamat sa mga natuwa sa kanyang post, humingi rin ng pasensya si Yap sa mga taong hindi ito masyadong nagustuhan.

Ayon kay Yap, humihingi ito ng pasensya sa mga taong umano’y baka na-offend, hindi nagustuhan, o sinabing masyadong mababaw ang kanyang ginawa lalo na roon sa mga taong  hindi nagustuhan ang biro sa gitna ng pakikipaglaban nito sa pandemic.

Gayunpaman, sa kabila ng mga ito ay nangingibabaw pa rin ang bilang ng mga napangiti ni Yap sa kanyang ginawang meme. Napagaan nito ang ilang mga kalooban na sa ngayon ay nag-aalala o namomroblema dahil sa kinakaharap ngayong problema.

Ang ginawang ito Yap ay isang halimbawa ng pagiging mapagbiro at masayahin ng mga Pinoy kahit sa kabila man ng bigat na pinagadaraanan ng bansa dahil sa COVID-19.

Source: YAHOO