Dahil umano sa sobrang paggamit ng mga Pilipino ng app na ‘Tiktok’, nakatakda na itong i-ban sa bansa.
Ang video-sharing app na ‘Tiktok’ ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino lalong lalo na nang ipatupad ang community quarantine sa bansa bunsod ng COVID-19 outbreak.
Hindi umano biro ang paglobo ng bilang ng downloads ng app nang magsimula na ang community quarantine.
Higit pa sa doble o tripleng bilang ng karaniwang downloads ng Tiktok ang naitala ng kompanyang nagpapatakbo nito.
Sa loob umano ng unang dalawang linggo nang pagpapatupad ng community quarantine sa Pilipinas, nasa halos 5000% umano ang itinaas nang Tiktok downloads.
Kaya naman, sa isa umanong anunsyo, nakatakdang i-ban ang ‘Tiktok’ sa bansa dahil sa nangyayaring ‘overuse’ nito.
Ang Tiktok ay pag-aari ng ByteDance, isang internet company na nakabase sa bansang China.
Isang spokesperson ng Chinese video-sharing social networking app na ito ang nagsasabing nagiging ‘obsession’ na umano ng mga Pinoy ang labis na paggamit ng Tiktok.
“This is not what this time in our life is supposed to be about,
“People have been fixed on creating useless content on the app that is doing absolutely nothing beneficial for their lives,” dagdag pa ng naturang spokesperson.
Ito umano ang nakikitang dahilan nang posibleng pag-ban ng app sa Pilipinas.
Depensa naman ng karamihan sa mga Pinoy, ang Tiktok ang naging paraan upang magkaroon ng libangan ang mga ito lalong-lalo na sa panahon ngayon.
Ito ang kanilang paraan upang ibsan ang pagkabagot habang nananatili sa kanilang mga bahay dahil sa community quarantine.
Dahil sa Tiktok, nagkakaroon sila ng mapagkakaabalahan kaysa lumabas ng bahay.
Hindi na lamang kasi mga kabataan ang gumagamit nito ngayon. Maging ang mga mas nakakatanda ay nakikisali na rin sa paggamit nito.
Kaya naman, hindi nakakagulat ang labis na paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng Tiktok dahil ito ang naging libangan ng karamihan habang naka-quarantine sa kanilang mga tahanan.
Ito ang nagbibigay sa kanila ng pagkakaabalahan at naging ‘distraction’ na rin umano sa mga nangyayari sa paligid.
Sa pamamagitan ng pagkahumaling sa Tiktok, nakakalimutan umano ng mga Pinoy ang pag-alala sa kumakalat ngayong COVID-19 sa bansa.
Habang nananatili sa mga tahanan upang makaiwas na mahawa ng COVID-19, ang paggawa ng mga video sa Tiktok ang kanilang naging pampalipas oras.
Halos lahat na ata ng mayroong social media site ay nakagamit na ng Tiktok at halos lahat na rin ay nakapanood na ng mga Tiktok video na nagkalat ngayon sa social media.
Maging nga mga sikat na personalidad ay nakisali na rin sa pag-uso ng Tiktok.
Ilan sa mga artistang gumawa ng Tiktok video ay sina Andrea Brillantes, Maymay Entrata, KC Concepcion, at iba pa.
Maging mga Youtube personalities o mga vlogger ay naki-Tiktok na rin. Pinaka naging trending nga sa mga ito ay ang Tiktok video ni Raffy Tulfo.
Kaya naman, siguradong marami ang malulungkot kapag nalaman ang balitang ito na maaaring pag-ban ng Tiktok sa bansa.
Marami ang siguradong hindi sasang-ayon rito ngunit, wala pa ring magagagawa ang mga ito kapag tuluyan nang napagdesisyon na tanggalin ito sa bansa.
Source: wheninmanila