Dahil sa lumalala at dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa, kabi-kabila ang hakbang na ginagawa ng gobyerno upang labanan ito.

Kabilang na rito ang paghahanap ng maaaring lunas para sa naturang coronavirus na kumitil na ng maraming buhay.

Kaya naman, naging trending at pinag-usapan sa social media ang naging anunsyo ng gobyerno na pagbibigay ng malaking pabuya sa sinumang makakalikha ng gamot sa COVID-19.

Magbibigay umano ang gobyerno ng milyun-milyong halaga ng pera sa sinumang matagumpay na makakalikha ng bakuna laban sa sakit na ito.


Dahil rito, marami ang agad ay naglabas ng opinyon tungkol sa naturang anunsyo. Kabi-kabila agad ang mga pahayag tungkol rito sa social media, mapa-positibo man o negatibo.

Ngunit, alam mo ba na bago pa man dumating at maging pandemic ang COVID-19 ay mayroon nang isang babae ang naghangad na makatuklas ng bakuna laban rito?

Limang taon na ang nakararaan, sa panahong hindi aakalain ng sinuman na mayroong virus na kakalat sa buong mundo, ay mayroong isang babae na ang gustong pagkaabalahan ay ang paghanap sa lunas ng coronavirus.

Ito ay ang isa na ngayong Registered Medical Technologist na si Nicole Rhoda E. Glory ng Binalbagan sa probinsya ng Negros Occidental.

Kakapasa lamang umano ni Nicole sa larangang ito nito lamang sa kagaganap na September 2019 Medical Technology Licensure Examination.

Bago pa man ito, ang nakakahangang si Nicole ay minsan na umanong naging pangarap ang paghanap sa lunas ng coronavirus.

Naging trending kasi sa social media ang larawan ni Nicole sa isang diumano’y yearbook nito sa hayskul kung saan, ito ang kanyang isinulat.

Ayon rito kay Nicole, ang kanyang gustong gawin sa hinaharap ay ‘to be successful in finding the cure for Corona Virus’.


Ibig sabihin, limang taon na ang nakakaraan, bago pa man dumating at matuklasan ang napipintong pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo na isang uri ng corona virus, mayroon nang isang Pinay na ang pag-iisip ay nasa pagtuklas ng lunas nito.

Sa panahon ngayon na nagsilabasan na ang iba’t-ibang mga indibidwal na sumusubok makahanap ng lunas sa COVID-19, limang taon na ang nakararaan ay mayroong isang babae na iniisip na ito.

Ang pagkalat ng larawang ito ni Nicole ay agad umani ng maraming paghanga mula sa mga netizen sa iba’t-ibang social media platforms.

Maliban sa paghanga para kay Nicole, marami sa mga ito ay nagpahayag na sana raw ay ito na ang makahanap ng tunay na gamot sa pinangangambahan ngayong sakit.


Marami sa mga ito ang umaasa na sana hanggang ngayon ay naghahanap pa rin umano ito ng lunas para sa coronavirus dahil ngayon ito pinaka kailangan.
Sa ngayon ay isa na umanong matagumpay na Medical Laboratory Scientist si Nicole. Kung patuloy man ito sa paghahanap at pagtuklas ng bakuna para sa coronavirus ay hindi natin alam.

Ngunit, hindi man sigurado kung naghahanap ito ay sigurado naman na mayroon ito paghahangad na matuklasan nga ang lunas sa sakit na ito na siyang tatapos sa mga hindi magagandang dulot ng COVID-19, hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Source: Facebook