Isa na namang good vibes na video ang kumakalat ngayon sa social media na talagang patok na patok sa mga netizen.
Sa video na ito na ibinahagi ng isang Chris Tapiro, makikita ang isang batang lalaki na magiliw na sumasayaw sa may pinto ng kanilang bahay.
Ayon sa pahayag na isinaad ni Tapiro, palabas na raw sana ng bahay ang bata ngunit hindi natuloy dahil hindi nito mapigilang mapasayaw sa mga kantang pinapatugtog ng kapit-bahay!
“Gusto niya sanang lumabas kaso narinig niyang nagpatugtog ‘yung kapitbahay niya at kelangan niyang sayawin,” ani pa nito.
Sa buong anim na minutong itinagal ng video, sumayaw laman ng sumayaw ang bata sa tunog ng mga sikat na kanta na karaniwan ay siyang ginagamit kapag nagti-Tiktok.
Nakakahanga at talagang nakakaaliw panoorin ang naturang bata dahil sa kabisadong-kabisado nito ang bawat sayaw.
Ang mas nakakatuwa pa sa batang ito ay nang hindi lamang katawan nito ang sumasayaw kundi pati rin ang mukha nito.
Kitang enjoy na enjoy ito sa pagsasayaw at talagang halatang hilig nito ang pagsasayaw. Dahil marami ngayon ang nahuhumaling sa Tiktok, ang video na ito ay talagang patok na patok ngayon sa social media.
Sinuman ang makapanood sa naturang video ay talagang mapapangiti dahil sa napakahusay na batang ito. Sa katunayan, umabot lang naman sa mahigit dalawang milyon na ang nakapanood sa video nito.
Sa bawat araw, patuloy pa itong dumarami dahil nasa mahigit 100 000 lang naman, sa ngayon, ang nalilikom nitong shares sa social media.
Hindi na rin mapigilan ng marami na magkomento tungkol sa batang ito. Umani lang naman ito ng maraming papuri galing sa mga netizens na hangang-hanga sa galing sa pagsasayaw ng bata.
Ani pa ng iba, sana raw ay ma-discover ang batang ito dahil kita naman umanong mayroon itong talento sa pagsasayaw. Kabisado lang naman kasi nito ang iba’t-ibang moves sa Tiktok!
Heto pa ang ilan sa mga komentong iniwan sa naturang video:
“innocent moves but lots of pips r watching, wat an unusual day 4 u kid 2 bcome fame in ur own way”
“ANG GALING! MY KINABUKASAN ANG BATANG ITO. MAGING GOOD DANCE CHOREOGRAPHER PAGLAKI!GOODLUCK BOY!”
“Good morning! grabe naman parusa yun palabas na eh hahakbang nalang balik na naman may hatak eh. Yung hule ayaw na pinipilit nyo pa eh nakaka good ng morning”
“Not a fan of tiktok, but salute to this young tiktok frontliner”
“Ang cute naman netong batong to, galing sumayaw, nakaka good vibes”
“Ang galing sana madiscover tong batang to…”
“ang kulit ng mga da moves… kakatuwa pero magaling talaga”
“yung sobra akong natuwa sa batang to kabisado nya lahat eh… pero mukhang napagod masyado”
Tunay na nakapag hatid umano ng saya ang naturang bata sa video. Sa panonood lamang rito, marami na ang napangiti at napaganda umano ang araw.
Sa ngayon, nasa mahigit 200 000 na ang mga reaksyon sa naturang post na karamihan ay pawang mga reaksyong ‘heart’ at ‘haha’.
Panoorin ng buo ang video sa baba: