Ilang araw bago napabalitang inaresto ng National Bureau of Investigation ang kontrobersiyal at kilalang tumutulong sa mga mahihirap na si Francis Leo Marcos, mayroon pa umano itong isang matandang tinulungan.

Ang tinutukoy rito na kanyang tinulungan ay ang isang lola na kamakailan lang rin ay naging viral dahil sa nakakaawa nitong sitwasyon.

Ika-15 ng Mayo nang agad naging viral ang Facebook post ng isang netizen tungkol sa isang lola na natutulog o nakatira lamang sa bangketa.

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na ito, makikita ang hindi magandang sitwasyon at kondisyon ni lola na basang-basa habang nakahiga sa bangketa habang umuulan.


Ang lola na ito ay nakunan umano sa isang bangketa sa Barangay 93 sa Pasay City. Ayon sa netizen na nagbahagi nito, umulan man o umaraw ay nasa bangketa lamang umano si lola.

Kaya naman, sa pamamagitan ng kanyang post, sana umano ay mabigyang pansin si lola at mabigyan na rin ng tulong. Imbes daw kasi na tumulong ang barangay kay lola ay ito pa umano ang nagpapaalis sa matanda.

“Nanawagan po ako sa DSWD na bigyang pansin ang isa pong matanda dito sa lugar namn. Umulan umaraw po, nandyan lang siya. Nakakausap naman po siya pagtinatanong siya kung gutom sumasagot naman po siya. Hindi niya po kayang maglakad, matanda na po siya…

“Una, pinansin siya ng mga taga barangay namin. Pinapaalis po siya. Inaabutan po namin siya ng pagkain, talagang hindi niya lang po kayang tumayo. Sabi ko po sa barangay official sa amin na sana may kumuha sa kanya at dalhin sa DSWD. Ang sabi lang po ng mga taga barangay sa akin, hindi nila kayang paalisin,” ani pa ng netizen sa kanyang Facebook post.


Hindi naman ito nabigo sapagkat agad na naging trending ang kanyang Facebook post tungkol kay lola na kumuha ng atensyon ng maraming taong may mabubuting puso.

Bukod rito, ang pagiging viral ng naturang post ang naging daan rin upang kumilos ang barangay at e-rescue si lola.
Matapos mae-rescue, pinakain umano si lola at pansamantalang kinupkop ng barangay. Maliban dito, mayroon na rin umanong aksyon dito ang DSWD kung saan, nakatakda nang kunin nila si lola.

Ang kondisyon na ito ni lola ay nakaabot rin hanggang sa kilalang matulungin sa mga mahihirap na si Francis Leo Marcos.

Katulad ng ibang netizen, naawa rin ito sa sitwasyon ni lola kaya naman, agad na nagpadala rito ng tulong si Francis Leo Marcos.

Ayon pa kay Francis Leo Marcos, nadurog umano ang kanyang puso nang malaman ang sitwasyon ni lola.


Kaya naman, walang pag-aalinlangan na mayroon umanong ipinadalang mga tao rito si Francis Leo Marcos upang maipaabot ang kanyang tulong kay lola.

Pinakain, binihisan, at binigyan umano ng pera ni Francis Leo Marcos ang naturang lola. Ibinili umano nito sa lola ng mga pagkain at mga bagong damit na masusuot nito.

Matapos ng lahat ng tulong na dumating, maayos na umano ngayon ang kondisyon ni lola ayon sa mga pinakabagong post tungkol rito.

Sa kabilang banda naman, ilang araw lamang matapos tumulong kay lola si Francis Leo Marcos ay napabalita na ang pagdakip sa kanya ng NBI dahil umano sa naging paglabag nito sa Optometry Law. Maliban dito, mayroon pa umanong mga paglabag si Francis Leo Marcos na kailangan nitong panagutan sa batas.

Panuorin ng buo ang video dito!