Marami ang namangha sa isang blogger galing Singapore sa kakaiba umano nitong ‘revenge’ sa dating kasintahan na nanloloko sa kanya.
Upang ihayag sa publiko ang umano’y pagtataksil ng dating kasintahan, ang food blogger na si ‘Hilary’ ay bumili lang naman ng isang ad sa Instagram upang doon isiwalat ang nangyaring panloloko sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.
Ang naturang sponsored ng Instagram username na ‘SGnomster’ ay agad na kumalat at nakunan pa ng larawan ng isang Jaydee Look na kanya ring ibinahagi sa facebook.
Dito, marami ang namangha sa umano’y tapang ng blogger at sa kakaibang paraan nito ng pagsisiwalat sa panloloko ng kanyang dating karelasyon.
Heto ang kanyang naging saad:
“Lies after lies. Over and over again. You made me feel like I was never enough. When there was another girl all along.”
“While time would heal my wounds, the scar will always remain. And I may even forgive but I will never forget. Goodbye.”
Lumabas umano sa Instagram ang naturang ad mula ika-3 ng Mayo.
Maliban rito, inilabas rin umano ng naturang blogger ang iba pang mga detalye ng pagtataksil sa kanya ng dating boyfriend.
Sa pamamagitan ng sunod-sunod na IG Stories, inihayag nito kung kailan niya nalaman at kung paano umano natapos ang kanilang relasyon.
Matagal na pala umanong mayroong relasyon ang kanyang boyfriend sa ibanh babae. Aniya, kakabalik pa lamang umano nila galing sa isang bakasyon sa Cebu ay nagbakasyon rin umano ito kasama ang naturang babae.
Napansin na umano nito na mayroong mali sa kanilang relasyon ngunit sinisi lamang umano niya ang sarili.
Ngunit, tama lahat ang naging hinala nito.
“You must’ve realized it’s impossible to split your time between the two of us.
And your conscience started creeping in.
Because out of the blue, you told me we didn’t connect.
You told me I didn’t trust you.
You told me I was insecure.
As if my insecurites weren’t enough, you had to add salt to the wound,” ani pa nito.
Ilang beses niya umano itong tinanong tungkol sa naturang babae ngunit palaging wala ang isinasagot nito. Kaya naman, nagtiwala na lamang ito kahit alam niyang mayroong nangyayari.
Hanggang sa lumabas nalang umano ang katotohanan at ang mga ebidensya na nagpapatunay rito tulad ng mga larawan.
Sa panahon umano na sinasabi nitong nagbabakasyon ito kasama ang mga kaibigan, ang babae nito ang kasama nito. At dito na umano nito tuluyang tinapos ang lahat.
“I called you.
To return whatever left in your home.
You said,
‘I hope you’re okay’
I thought I was getting better.
But after the call, I cried myself to sleep.”
Sa ngayon, burado na umano ang naturang mga Instagram stories ng blogger. Wala na rin umano ang sponsored ad nito sa serkulasyon.
Ngunit, ang kanyang naging ‘ultimate revenge’ sa kanyang dating kasintahan ay hindi maitatangging kakaiba at talagang nakakahanga.
Source: whereinbacolod