Noon paman, madalas nang ipinipintas sa aktres na si Kathryn Bernardo ang pagiging ‘sakang’ umano ng legs nito.
Ito ang panlalait na parating ibinabato sa aktres ng mga basher nito lalo na sa social media.
Kaya naman, kamakailan lang, sa pinakabagong vlog na inilabas ni Kathryn, matapang nitong hinarap ang mga ibinabato sa kanyang mga ‘bash’ at panlalait. At isa na nga rito ay ang pagiging ‘sakang’ umano ng aktres.
Sa kanyang vlog, binasa ni Kathryn ang mga ‘hate comments’ sa kanya sa social media na kanya namang sinasagot o binibigyan ng reaksyon.
At nang mabasa na nga ni Kathryn ang isang netizen na mayroong mapanlait na komento sa kanyang legs, aniya,
“Oh, boom! Ito yung hinihintay ko.”
Heto ang sinabi ng naturang basher na ani ni Kathryn ay talagang hinihintay niya na banggitin.
“Ang pangit ni Kathryn Bernardo! Sakang na! Pangit pa!”
Marahil, hindi lamang si Kathryn ang naghihintay na masagot ang panlalait na ito kundi pati na rin ang mga taga-suporta nito na makailang beses na ring ipinagtanggol ang aktres.
Ayon kay Kathryn, aminado siya na naging ‘insecurity’ niya dati ang pagkakaroon ng ‘bow legs’, o legs na magkalayo ang tuhod kahit magkalapit na ang kaliwa at kanan niyang sakong.
Ani niya pa, isa ito sa mga rason kung bakit niya umano ini-off ang comment section sa kanyang Instagram account. Ang dami daw kasing oras manlait ng mga bashers.
Rebelasyon pa ni Kath, ang tao talaga umano na talagang nagparealize sa kanya na huwag ma-insecure sa sarili niyang legs ay walang iba kundi ang boyfriend nitong si DJ, o si Daniel Padilla.
“Before, sobrang insecurity ko ito…
“Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ.
“Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs,” saad pa ni Kathryn.
Ngunit, sa pagdaan ng panahon, syempre sa tulong na rin ng kanyang boyfriend, ayon kay Kathryn ay natutunan niya nang tanggapin at mahalin ng buong buo ang kanyang legs.
“Alam niyo, over the years natutunan ko tanggapin ang legs ko.
“Yes it's not straight. It's kinda ganyan, 'parang parenthesis', yun ang sinasabi nila.
“E, wala e. Parte siya ng pagkatao ko,” dagdag pa ng aktres.
Depensa pa nga ng aktres, hindi naman daw siya makukulong dahil lamang sa pagkakaroon niya ng legs, na para sa iba ay hindi kagandahan.
“Na-realize ko lahat tayo merong imperfections. Siguro nagkataon ibinigay sa akin ni God yung legs ko.
“And ano gagawin ko? E, di nagwo-workout ako para ma-excercise siya.
“And tatanggapin ko, kasi hello?! Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko,” ani pa ni Kathryn.
Kaya naman, mayroong matapang at proud na mensahe si Kathryn para sa mga bashers nito na palaging ipinambabato ang pagkakaroon niya ng sakang na legs.
Tumatawa at matapang pang sabi ni Kathryn sa mga ito,
“I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!...
“Come on! You kiss my f*cking legs! Hahaha!”
Source: PEP