Hindi maitatanggi na isa sa pinakahinahangaan at pinaka tinitingalang artista sa kasalukuyan ay si Kathryn Bernardo.
Mula sa pagiging bahagi ng programang ‘Goin Bulilit’, malayo na ang narating ni Kathryn lalo na sa larangan ng pag-arte.
Ang simple at morenang ganda ang nakapagpabihag sa maraming mga mata at puso hindi lamang ng kanyang mga tagahanga kundi pati na rin ng maraming mga personalidad sa showbiz.
Kaya naman, sinu-sino nga ba ang mga artistang mayroong mga paghanga kay Kathryn Bernardo? Heto’t ating alamin.
Dahil umano sa galing ni Kathryn sa pag-arte, humanga sa kanya ang kasabayan niya ring artista na si Francis Magundayao.
Ayon kay Francis, nagagandahan umano siya sa mukha nito at taglay nitong ‘morena beauty’.
Ang hashtag member na si Jon Lucas ay isa rin sa mga napahanga ng batang aktres. Ayon naman kay Jon Lucas, isa umano si Kathryn sa marami niyang crush sa industriya.
Sa isang panayam, inamin naman ni Jerome Ponce kung gaano ito humahanga kay Kathryn. Inihayag niya rito kung bakit nga ba nito ‘crush na crush’ ang aktres.
“Opo. Crush na crush ko talaga ‘yan si Kathryn Bernardo. Mahilig ako sa mga morena, eh. Tsaka, nakakatunaw talaga sa mata ko ang ganda niya,” saad pa ni Jerome.
Kilala namang malapit na magkaibigan sina John Manalo at Kathryn dahil sa pareho itong naging bahagi ng ‘Goin Bulilit’. Ngunit, maging ito rin ay mayroong naging paghanga kay Kathryn.
Ayon kay John, iba umano si Kathryn sa ibang mga babae dahil sa pagiging ‘unpredictable’ umano nito. Hindi niya umano ito basta-bastang nababasa gaya ng ibang mga babae kaya naman, mahal niya ito bilang isang kaibigan.
Umamin naman ang artistang si Julian Trono na crush niya talaga umano ang dalagang aktres. Saad pa nito tungkol kay Kathryn,
“I confess to Kathryn Bernardo. No hates, please. It’s just a crush. I admit that she’s beautiful. Inside and out.”
Maging ang atletang si Michael Martinez ay hindi rin nakaligtas na humanga sa ganda ni Kathryn. Nang minsan kasi itong tanungin kung sino ang ‘crush’ o hinahangaan nito, walang pag-aalinlangan na Kathryn Bernardo ang kanyang binanggit na pangalan.
Isa rin sa mga kaibigan ni Kathryn ang umamin na may paghanga kay Kathryn. Ito ay ang artista at kaedaran niyang si Alex Diaz.
Kahit na si Kean Cipriano na malayo ang agwat ng edad kay Kathryn ay hindi rin naiwasang humanga rito. Ayon pa sa kanya, kahit bata pa raw ito ay ‘crush’ niya na talaga umano si Kathryn.
Ganun rin ang artistang si Tutti Caringal na ayon sa kanya ay nagsimulang humanga sa aktres noong nanood ito ng pelikulang ‘Sisterakas’ kung saan kabilang si Kathryn. Sobrang nagandahan umano siya kay Kathryn rito.
Ngunit, marami man ang humanga at umamin pa ng espesyal na nararamdaman para sa nag-iisang Kathryn Bernardo, isa lamang ang tunay na nagwagin at nagmamay-ari ng puso nito.
Ito ay ang loveteam at real life na kasintahan nitong si Daniel Padilla na nagsimula rin sa paghanga ang naramdaman kay Kathryn Bernardo.
Ilang taon nang magkarelasyon ang dalawa na tunay ngang pinagtibay ng panahon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maitatanggi ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa lalo na si Daniel na maya’t-maya ang paghahayag ng nararamdaman tungkol kay Kathryn.
Panoorin ng buo dito: